Thursday, November 26, 2009

=..Maguindanao Massacre .=

ang ganda na sana ng balita na lumalabas galing pilipinas since last week. from cnn to channel news asia and bbc, ang headline ay yung pagkapanalo ni pacquiao at ang pag boto kay efren penaflorida bilang cnn hero of the year. tapos biglang masisira nanaman ang imahe natin sa ibang bansa dahil sa asal unggoy ng isang grupo ng mga utak baboy dyan sa mindanao. bakit ba hindi sila ang nilamon ng tsunami?


mahirap simulan ang blog na to pero gagawin ko ito... sa abot ng aking makakaya at maiisip.. mahigit kumulang 50 katao ang namatay sa isang kagimbal gimbal na massacre na gumising sa taong bayan at sa buong bansa nitong nakaraang araw,.. mahirap tanggapin ang pangyayari dahil karamihan sa mga namatay ay di nila inakalang doon na magtatapos ang takbo ng kanilang buhay. mahirap tanggapin na dahil lang sa kanilang trabaho ay mawawala sila, at ang mas masaklap pa ay brutal silang pinagpapatay ng mga walang awa na putang ina.!

TINGNAN NG MABUTI ANG MGA LARAWAN


si Ampatuan at GMA: putik parang tuwang tuwa pa si GMA sa mga kargada ng mga Ampatuan... *p.i. kayo*


Jess Dureza mingling closely with the Ampatuans.

Tha CAFGU militamen of the Ampatuans.

Friday, November 20, 2009

ANG PINOY MAY DESKARTE!

note: mas masarap magbasa ng blog ko habang kumakain.!



proud ako maging pilipino dahil madeskarte tayo.... At higit sa lahat at higit din sa isa, bilib na bilib ako sa mga pinoy sa kabila ng mga pagsubok na dumadating sa ating buhay ay nagagawa parin natin umakyat sa Billboard at maging instant Celebrity sa mga news. nagagawa paring ngumiti at kumaway sa harap ng camera kahit na dinaanan ng kalamidad. ganun tayo katindi.. Nagagawa parin nating maging masaya kahit di na tayo makahinga. at ang pinakamasarap sa lahat ay ang mga pulitiko nating mga mukang Tae, na wala nang ibang ginawa kundi ang mag bangayan,mag siraan,.. pare parehas lang naman silang sira ulo. OO! Aaminin ko nagparehistro ako para bumoto.! pero ang pinakamahirap sa lahat ay kung sino ang iboboto ko.? di ako naniniwala sa mga advocacy na yan.. kagaya nalang ng isang Advocacy.! mabibigat na artista pa ang kasama, ngayon asan na sila?.. pagkatapos nila nabenta ang bakal, asan na sila? pagkatapos nilang magkaroon ng share sa nagbebenta ng pekeng bakal sa Divisoria. Asan na sila? wala na diba... ! Tayo kasing mga pilipino madali tayong malason ng isang pagkain na di naman dapat natin isubo... pinagka perahan lang yata ang taong bayan nun eh... pero magaling din ang nakaisip nun... mabibigat na artista pa ang mga pinapakita sa advertisement nila, at ang isa pang napansin ko ay ang isang kasama sa advertisement na yun ay tatakbo pala.. hehehe.. lets see.! Pero alam ko na yun dati pa, di naman ako bobo kagaya ko.! hehe simula kasi noong April ay ang dami nya nang Advertisment sa T.V. .. halo halo.. meroong gamot sa tulo, lasong ng daga, at marami pa.. kaya medyo mukang may pinapahiwatig na sya.!.. Pero di ako bilib sa tao na yun... kung ako mag re rate sa kanya ay bibigyan ko sya ng malaking negative, singlaki ng lcd na katapat ko ngayon.! Oppp.sssssssss.. maiba na muna tayo.. baka kung san pa mapunta to>!..


TINGNAN NG MABUTI ANG LARAWAN SA IBABA! IPALIWAG SA CLASSMATE AT IKWENTO SA MAGULANG HABANG KAYO AY KUMAKAIN>!





Note: nakaw lang po ang larawan na yan sa Google kaya wag po kayo magtanong kung sino yan?|

NAG SPARK! MAY SUNOG BA? BAKA MAY TUMAE!

Nag spark na naman utak ko, ano ba meron?



ang hirap palang isipin ang mga bagay na dapat di naman natin iniisip,dahil di naman mahalaga. pero mas mahirap isipin ay makita mo ang tae mo na magkamukha pala kayo..Opssss.. teka wag ka kasi seryoso... masyado kang seryoso nakikibasa ka na nga lang ng blog ko eh... Pero ayun sa survey na ginawa ng aking lola at lolo lahat daw ng bumibisita sa aking blog ay 95% magaganda at gwapo kaya wala kang dahilan para hindi ito basahin, dahil alam ko naman na makapal ang muka mo.Dahil sa kakapalan ng yong muka na basahin ang aking blog ay nahihiya naman ako na wala akong ipabasa sayo. at higit sa lahat check mo muna ang time mo dahil alam kong isang oras ka lang dyan sa shop dahil 15pesos lang ang budget mo ..

anyway, by the way. wait lang bwe-bwelo lang ako, alam ko kasi kanina ka pa ready eh. pero ako di pa..ayun lets start guys...

may mga tao talagang mahirap makaintindi, mahirap makaunawa,mahirap talaga maging pogi.! hehe. Ang dami daming bagay na dapat baguhin,dapat ibahin,dapat ayusin, kailangan ng pagbabago... pero ang ugali mo mahirap na magbago, dahil "ang tae kahit lagyan mo na pabango mananatili parin itong mabaho" isipin mo nalang ugali mo yun!, kahit magpakaplastik ka pa ay mangangamoy parin ang kung ano ang totoong amoy mo.! kaya kung ako sa sayo magpaka bakal ka nalang, diba! ang tibay mo.. pwede ka pang mabenta sa junk shop..! hehe.. Teka may nabalitaan ako, si I tsaka si U sila na?.. may nagkwento kasi sa akin,.. (parang networking ha),,, yan yan.! dyan ka magaling makipag tsismisan para kang mama ko.. (minsan nalang ngayon) .. ang dami ko nabalitaan na namatay dahil sa tsismis pero di ako nag kwento sa iba sympre, mamaya baka ako naman sumunod.. tanananan...! kaya wag ka na sumubok na ipagsabi itong nabasa mo dahil atin atin lang to!.. alam nyo sa lahat ng pinakaayaw ko ay binibitin ako sa pagbabasa ng blog, kaya gusto ko din maramdaman ang nararamdaman ng bitin.





Note: nakawin mo na wallet ng erpat mo, lasing yun.!

Tuesday, November 3, 2009

Natapon na ba ang basura?

gising lang ang utak ko pero tulog pa ang mga mata ko.! nakapikit pa ang mata pero lagi nakabukas ang utak. 24/7 gising ang utak ko para mag isip ng mga bagay bagay, tao tao,hayop hayop, at kung anu-ano...

kagabi naisip ko na bakit nga ba tayong mga pinoy ay kakaiba, yung tipong sobrang kakaiba tayo!...
naisip ko ang mga nangyari noong mga nakaraang kalamidad,... ang bagyong Ondoy!.. doon ko nakita na ang mga pinoy kahit nasa tropa ng kamatayan ay nagagawa paring ngumiti sa harap ng camera, tumulong kahit nasa panganib, maghanap buhay habang bumabagyo.., (yun yung mga nagbabangka na nagpapabayad), nakita ko din kung gaano kabulok ang sistema ng ating gobyerno.!.... mga walang kwenta pero may mga ginawa naman, pero may ibig sabihin na kapalit. di ko alam bat ganun? baka kayo alam nyo? pwede bang pakisabi sa akin..! hehe. doon ko nakita ang kanya kanyang gimik ng mga tatakbong pulitiko ngayong darating na halalan,... may makikita kang namimigay ng t-shirt na may tatak ng pangalan ni kumag!. mayroon ding mga styro na naka print din ang pangalan ni kumag tapos may laman na kanin at ulam, tapos may mga delata na nakalagay sa plastik at ang tatak naman ng plastik eh yung pangalan ulit ni kumag,> puro nalang pangalan ni kumag, walang hiya.!..... ang kapal ng muka.!.... pero para sa akin ok lang yun.. at least tumulong kaysa sa hindi..!.. basta wag lang tayo papaloko hayaan natin tayo naman ang manloko sa mga walang hiyang pulitiko na nagpapabango ng pangalan kahit matagal na mabaho.!.. at masangsang na ang amoy. mga puro pangako pero alam na natin na yun ay mapapako,.. puro salita na nanglalason sa ating mga isip, mga walang silbing bagay bagay na wala naman talagang halaga..... madami na akong nasaksihan pero nakasulat na yun sa papel at di ko pwedeng ilagay sa aking blog dahil ewan ko....


NOTE: kung magagalit ka, wag mo nalang ako pansinin...