Tuesday, November 3, 2009

Natapon na ba ang basura?

gising lang ang utak ko pero tulog pa ang mga mata ko.! nakapikit pa ang mata pero lagi nakabukas ang utak. 24/7 gising ang utak ko para mag isip ng mga bagay bagay, tao tao,hayop hayop, at kung anu-ano...

kagabi naisip ko na bakit nga ba tayong mga pinoy ay kakaiba, yung tipong sobrang kakaiba tayo!...
naisip ko ang mga nangyari noong mga nakaraang kalamidad,... ang bagyong Ondoy!.. doon ko nakita na ang mga pinoy kahit nasa tropa ng kamatayan ay nagagawa paring ngumiti sa harap ng camera, tumulong kahit nasa panganib, maghanap buhay habang bumabagyo.., (yun yung mga nagbabangka na nagpapabayad), nakita ko din kung gaano kabulok ang sistema ng ating gobyerno.!.... mga walang kwenta pero may mga ginawa naman, pero may ibig sabihin na kapalit. di ko alam bat ganun? baka kayo alam nyo? pwede bang pakisabi sa akin..! hehe. doon ko nakita ang kanya kanyang gimik ng mga tatakbong pulitiko ngayong darating na halalan,... may makikita kang namimigay ng t-shirt na may tatak ng pangalan ni kumag!. mayroon ding mga styro na naka print din ang pangalan ni kumag tapos may laman na kanin at ulam, tapos may mga delata na nakalagay sa plastik at ang tatak naman ng plastik eh yung pangalan ulit ni kumag,> puro nalang pangalan ni kumag, walang hiya.!..... ang kapal ng muka.!.... pero para sa akin ok lang yun.. at least tumulong kaysa sa hindi..!.. basta wag lang tayo papaloko hayaan natin tayo naman ang manloko sa mga walang hiyang pulitiko na nagpapabango ng pangalan kahit matagal na mabaho.!.. at masangsang na ang amoy. mga puro pangako pero alam na natin na yun ay mapapako,.. puro salita na nanglalason sa ating mga isip, mga walang silbing bagay bagay na wala naman talagang halaga..... madami na akong nasaksihan pero nakasulat na yun sa papel at di ko pwedeng ilagay sa aking blog dahil ewan ko....


NOTE: kung magagalit ka, wag mo nalang ako pansinin...

No comments:

Post a Comment