Thursday, April 29, 2010
Ang Hirap Bomoto!!
Sa araw araw nalang ang gumigising sa akin ay mga jingle ng pulitiko .. put*ng ina.. di na sila nagsawa ang ingay nila.. sa tingin nila iboboto sila ng tao dahil nakakatuwa ang tugtog nila.. haha.. mga gagu sila.. sa mga pulitiko na maiingay= sana matalo kayo....
Dito sa atin nakaugalian na talaga ng mga pulitiko na mag bahay bahay para manloko ng mga tao... magpapakilala at magbibigay ng platorma pero ang totoo puro lang porma..pag nanalo ang pulitiko na yan, babalikan ka ba nyan?.hindi diba..! . hahaha. kaya ako shit. kahit sino pulitiko kumatok o pumasok sa bahay namin di ko naisipan makipag shake hands... Bakit?.. magbabago ba buhay ko/natin pag nakipag shake hands tayo sa mga kumag na yan?.. hindi diba!.. totoo naman pera at kapangyarihan lang ang mga habol nyan kaya tumatakbo sila.. dito kasi sa bansang to pulitiko ang pinakama kapangyarihang tao, kaya ang hirap bomoto dahil malaking kasalanan sa ating sarili kung magkakamali at magsisisi tayo sa huli.,.. mahirap malaman kung sino ang totoo?.. yan ang mga pulitiko ngayon ang hirap intindihin kahit pilit nilang pinapaintindi.
Noong nagpa rehistro ako sa Comelec, sobrang excited akong bomoto pero ngayong malapit na election parang takot akong bomoto. hindi dahil first time ko, kundi dahil takot akong magsisi bandang huli..
"MANALO MATALO IBOBOTO KUNG SINO ANG GUSTO KO"
Naisip ko lang, parang wala na mga kwenta ang mga pulitiko sa bansang to.. dapat wala nalang konsehal sa bawat distrito, dapat wala nalang kagawad sa bawat baranggay... bakit?.. pangpagulo lang naman yan sila eh.. pangpadagdag sa swe swelduhan ng gobyerno.
Saturday, April 17, 2010
Kumusta na kaya ?
habang iniipon ko ang mga lumang libro at lumang papel ko noong high school bigla ko naisip... kumusta na kaya ang mga classmate ko noong high school.. siguro ang iba sa kanila may anak na may sarili nang pamilya, may kanya kanya nang trabaho, may mga natangal na sa trabaho, may naka graduate na ng vocational, may huminto na sa pag-aaral (kagaya ko).. at meroon naman patuloy na nag aaral, .. kumusta na din kaya ang mga classmate ko na punong puno ng pang aasar sa akin.. kumusta na din kaya ang classmate ko na sumapak sa akin, kumusta na din kaya ang classmate ko na laging nag yoyosi sa loob ng room namin, kumusta na ang mga classmate kong walang ginawa kundi mag marijuana at magsugal sa loob ng room. kumusta na din kaya ang mga taong nakilala ko noong high school.. siguro madami sa kanila umasenso na ang iba naman ay wala paring pakinabang. ...
kumusta na kaya ang mga titser ko noong high school, sana ang iba sa kanila ay buhay pa, at sana ang iba sa kanila ay manatiling sila. kumusta na kaya ang titser ko na di mawala ang galit sa akin, kumusta na kaya ang titser ko na walang ginawa kundi ang magpa gawa ng Report ng El Filibustirismo. . kumusta na kaya ang titser ko na walang ginawa kundi mag utos sa akin bumili ng softdrinks.. kumusta na kaya ang titser ko na laging nagsasalita ng english kahit di naman bagay sa kanya.. hihi.. kumusta na kaya ang titser kong mabait pero masungit, kumusta na din kaya yung nag iisang titser na nagpahiya sa akin sa harap ng Flag Ceremony. kumusta na kaya ang titser na walang sawang nagtiwala sa akin. kumusta na kaya ang titser na laging naniningil ng Batikan.. hahaha..
kumusta na kaya ang mga guard na laging nagpapalabas sa amin tuwing tanghali, kumusta na din kaya yung guard na wala nang ibang ginawa kundi ang sumigaw ng sumigaw, kumusta na kaya yung nagtitinda ng ice cream, kumusta na kaya yung mga tindera sa canteen. sana manatili silang buhay hangga't silay nabubuhay..
basta kumusta nalang sa mga taong naging bahagi ng buhay highschool ko... naalala ko lang bigla.. nagkalat kasi yung mga alaala ko noong high school...
Wednesday, April 14, 2010
Pag-asa ng bayan o Alipin ng Bayan?.
kawawang mga bata,mga kapwa pilipino.. bakit ganito nangyayari sa buhay nila? diba dapat nasa paaralan sila? masakit man pong isipin pero yun ang katotohanan.. may kayang tumulong pero di sila matulungan… diba dapat sa ngayon palang ay dapat sila ang unahing tulungan? dahil pag sila ay napabayaan lalong dadami ang tulad nila. isa lang naman po ang gusto ko mangyari na sana po ay may mamulat ang ating gobyerno na pansinin ang mga batang to.. dahil sabi nga “KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”.. pero bakit ganun naging alipin sila ng ating bayan..?
sa tuwing manglilimos ang mga batang to sa atin? ano ba agad ang naiisip natin? syempre naiisip natin na ma swerte tayo dahil meron tayong maayos na pamumuhay .. kumakain tayo ng tatlong beses sa isang araw.. pero para sa akin di parin ako ma swerte na nakikita ko na ganun ang nangyayari..sobrang nakakaawa.. actually sila ang dapat kaawaan dahil mahabang buhay pa ang kanilang pagdadaanan.. ang mga batang to pag di tinulungan ay di nila matatakasan ang kanilang pinagdaanan.. sobrang dami ng ganitong bata sa ating kalye..tanong naman ng iba ..asan ang kanilang mga magulang? diba dapat pag ganun na nakikita natin na ganyan dapat di na natin isipin kung asan ang kanilang mga magulang..that means pinabayaan na sila.. dahil kung hindi sila pinabayaan nasa maayos silang kalagayan.. dahil ba sa mahirap sila kaya sila ganyan? hindi naman siguro dahilan yun para pabayaan ang mga batang yan..madami naman paraan na magagawa ang magulang kung talaga di sila pinabayaan..
sana po dumating ang araw na wala nang bata ang nanglilimos at natutulog sa kalye.. sana po bigyang pansin naman sila ng gobyerno natin..