Wednesday, April 14, 2010

Pag-asa ng bayan o Alipin ng Bayan?.





kawawang mga bata,mga kapwa pilipino.. bakit ganito nangyayari sa buhay nila? diba dapat nasa paaralan sila? masakit man pong isipin pero yun ang katotohanan.. may kayang tumulong pero di sila matulungan… diba dapat sa ngayon palang ay dapat sila ang unahing tulungan? dahil pag sila ay napabayaan lalong dadami ang tulad nila. isa lang naman po ang gusto ko mangyari na sana po ay may mamulat ang ating gobyerno na pansinin ang mga batang to.. dahil sabi nga “KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”.. pero bakit ganun naging alipin sila ng ating bayan..?

sa tuwing manglilimos ang mga batang to sa atin? ano ba agad ang naiisip natin? syempre naiisip natin na ma swerte tayo dahil meron tayong maayos na pamumuhay .. kumakain tayo ng tatlong beses sa isang araw.. pero para sa akin di parin ako ma swerte na nakikita ko na ganun ang nangyayari..sobrang nakakaawa.. actually sila ang dapat kaawaan dahil mahabang buhay pa ang kanilang pagdadaanan.. ang mga batang to pag di tinulungan ay di nila matatakasan ang kanilang pinagdaanan.. sobrang dami ng ganitong bata sa ating kalye..tanong naman ng iba ..asan ang kanilang mga magulang? diba dapat pag ganun na nakikita natin na ganyan dapat di na natin isipin kung asan ang kanilang mga magulang..that means pinabayaan na sila.. dahil kung hindi sila pinabayaan nasa maayos silang kalagayan.. dahil ba sa mahirap sila kaya sila ganyan? hindi naman siguro dahilan yun para pabayaan ang mga batang yan..madami naman paraan na magagawa ang magulang kung talaga di sila pinabayaan..

sana po dumating ang araw na wala nang bata ang nanglilimos at natutulog sa kalye.. sana po bigyang pansin naman sila ng gobyerno natin..

No comments:

Post a Comment