Sunday, March 21, 2010

kung ikaw yan?... sino naman ako?..

.. ang hirap mag isip pero madali magsabi . mahirap maghusga dahil pwede ka makasakit. mahirap maging perpekto baka madami magalit. mahirap maging mayabang baka madami mainggit. mahirap maging tao dahil hindi lahat ng tao totoong tao.


ang hirap ma gets ng pinagsasabi ko diba?... pero yung ang katotohan kaya di mo na kailangan maghanap ng dahilan.,..





ang tao di mo makikila basta basta lang. dahil lahat ng tao kahit iisa ang buhay, may kanya kanya tayong pamumuhay, at may kanya kanya tayong palpak na pag iisip. hindi porket best friend mo yan di ka gagawan ng masama?.. dahil hindi lahat ng best friend palaging best yan. kailangan nya rin maging masama para mapabuti ka... ohhhhh diba?.. may ganung effect pa.... di mo gets noh..?...

Madami na akong taong nakilala mula sa kamag-anak, kapitbahay, kaibigan, kainuman, kalokohan, kasakayan, ... basta madami na.. siguro lagpas na isang daan.!... pero sa lahat ng tao na nakilala ko na yun. ang masasabi ko lang. lahat sila iba iba ang buhay,pamumuhay,ugali,pag-iisip,pananaw,pinag-aralan,kagustuhan,..... di ko sila masisisi dahil hindi rin nila ako masisisi. basta ang masasabi ko lang sa mga taong yun ay salamat... kundi dahil sa inyo, di ako matuto mag inum at manigarilyo. ... ^_^ ...

Ngayon ko naisip na, hindi lahat ng gusto mo matutunan mo sa eskwelahan. Bakit?.. sa loob ng isang taon na aking pag aaral, at sa loob din ng isang taon na aking pagtambay. mas madami pa akong natutunan ngayon sa aking pagtatambay kaysa sa aking pag aaral noong nakaraan. .. Pero na realize ko bigla... mali pala talaga ako. ... kahit ipagpilitan kong tama ako, sinasabi naman ng puso ko na mali ako.... minsan gusto ko magmura sa harap ng salamin.. pero binabawi ko, dahil sarili ko nakikita ko. ... mahirap tanggapin ang pagkakamali pero mas mahirap tanggapin na ang tingin sayo ng ibang tao ay sira ulo ka...>!..<.. diba?....


PS: time na ako, nasa computer shop ako ngayon, dagdagan ko nalang pag nakapag online ulit...

No comments:

Post a Comment