Friday, March 19, 2010
Nakakatawang Year Book!.. .bwahahahaha
HAHAHAHAHA ----> Dahil wala akong magawa sa araw na to, sinubukan kong maging masaya sa pamamagitan ng pag review sa aking High School Year Book "The Sentinel".
First, sa cover palang ng libro natatawa na ako, kasi di mo mahahalata na year book sya ng school, akala ko nga dati pamaypay ang binigay sa akin yun pala! yun na ang Year Book ng batch namin. at di ko din na expect na ganun kanipis ang magiging year book ng batch namin.
Ito na nagtupi na ako sa first page, mga Honor Graduates agad makikita mo, pero ang kinaaasar ko ay ang nakalagay sa may kaliwa, sa may likod ng front cover ng year book. ngayon lang ako nakakita ng year book na ganito ... Badtrips!... pinagkasya ba naman sa isang page ang message ng Dep-Ed Secretary, School Division Superintendent at School Principal.... ang sagwa tingnan..! amp. XD:
Nasa second page na ako, dito na nag-umpisa ang kaligayahan ko. sa isang page ng Long Bond Paper pinagkasya lahat ang isang section kasama na ang adviser. Natatawa talaga ako kasi back to back pages ang paggawa, halatang tinipid. Patuloy lang ako sa pagtupi ng year book (sabay tawa hahahaha).. Sabay sabi ko sa sarili ko wala talaga akong masabing maganda sa year book na to. Hindi na nga colored ang paggawa, ang pangit pa ng print out. parang pinag tripan lang yata kami ng gumawa nito o may hang over lang sya habang nag i edit ng mga pages. at ang pinakapalpak pa sa lahat ay napakarami ng typo error sa mga pangalan ng Graduating Candidates....Bigla ko tuloy naisip ikumpara sa dyaryo ang year book na to.. Buti pa nga ang Dyaryo ng "LIBRE" (yung sa "MRT") ay colored at maganda ang pagkagawa, pero ang year book na to nagbayad kami, pero hindi sulit eh.......... Kinurakot po ba?????......HAHAHAHAHA XD: .
Naisip ko kasi masyadong tinipid ang mga material na ginamit, sa ink palang sobrang tipid na... tsaka yung cover ng year book.. di mahalata na year book sya.. ang sagwa...
PS: okey lang kahit ganun ang year book .. nakakatuwa naman... kahit papano naging masaya ako, ... hahahahahaha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment