Thursday, September 30, 2010
Humayo kayo at Magparami!
Ayaw ko sana makialam sa usaping Simbahan at sa gobyerno pero gusto ko makialam wala kayong magagawa.
Nakakasar isipin na ang Simbahan natin ay nakikialam sa mga balak ng gobyerno tungkol sa batas. Naiirita ako kasi di naman tungkulin ng simbahan ang pakiaalaman kung ano ang balak ng gobyerno. Ang tungkulin nila ay gabayan ang mamayan gamit ang salita ng dyos hindi ang pakialaman kung anong makakabuti sa atin. Siguro hindi maintindihan ng ating mga Pare ang batas na Reproductive Health Bill kasi wala silang asawa at wala silang anak na binubuhay. Pero para sa akin, masakit isipin na napakadami ng batang natutulog sa lansangan, madaming bata ang nagugutom, madaming bata ang walang tirahan at walang suot na maayos na pananamit. Siguro di maintindihan ng mga PARE yun kasi di nila makita o maramdaman ang pinagdadaanan ng ating kabataan. Kapag itoy ating pabayaan baka sila ay tuluyang dumami at mapabayaan ng lipunan. Kung ayaw ng simbahan ang Family Planning kaya ba nilang ampunin ang mga batang lansangan? kaya ba nila itong pag-aralin at bigyan ng magandang buhay balang araw? kaya ba nila itong patulugin sa maayos na higaan? Hindi naman diba. Kasi ang ibang mga Pare hindi dyos ang sinasamba nyan kundi ang Limos ng Simbahan. [No Offense kasi di ko naman nilalahat]
Kapag patuloy na pinipigilan ng simbahan ang Reproductive Health Bill baka mas lumalala ang sakit ng ating lipunan. Mas madaming Fetus ang ating mababalitaan na tinapon sa basurahan. Mas madaming tao ang lalong mahihirapan kasi lalong dadami ang kanilang mga anak. Mas madaming mga bata ang sumasakay sa jeep na may dalang sobre at nanghihingi ng pera pambili ng makakain. Mas madami ang mga batang nanglilimos sa daanan papunta ng MRT sa Metro Manila. Mas dadami ang mga kabataan na walang pinag-aralan tapos paglaki nila sila magiging magnanakaw sa ating lipunan. Sana wag naman ganun. Gusto ko maiba naman ang takbo sa susunod na henerasyon.
Hindi ang relihiyon ko ang aking kinakalaban dito kundi ang mga pare na pumipigil sa mga balak ng ating gobyerno.
Posted by
PNKMBTNBTA
Wednesday, September 29, 2010
Bad Trip!
Wala akong magagawa kong may mga bagay sa mundo na di ko kayang tangapin.
Maraming bagay sa mundo ang nakakainis, nakakaasar, nakaka badtrip. Naaasar ako pag may mag syota na naghahalikan sa harap ko. Di ako naiinggit. Di ako nagagalit. Naasiwa lang ako kasi parang piling ko di na ako nire respito ng mga taong to o sila lang ang walang mga respito sa pagkatao nila. Minsan naisip ko, siguro ito ang paraan nila para ipakita sa mga tao na nagmamahalan sila ng tunay. LOL :))=
Naaasar ako sa Jeepney Driver na kahit punong puno na ang Jeep magtatawag parin ng pasahero para sumakay. Trip yata ni manong isakay ang boung barangay. Siguro walang pakialam si manong sa mga pasahero kahit magsiksikan sa loob ng jeep. Tapos sasabayan pa ng napakalakas na tugtog kahit di na nya marinig ang sumisigaw na pasahero ng "Manong sa Tabi lang po. PARA!" Ang gawain ko kapag siksikan na ang jeep ay Hindi ako magbabayad. Bakit? lugi naman ako, pag nagbayad ako. Ako na nga itong hirap na hirap huminga at halos mamatay na sa init tapos pagbabayarin pa ako. Ano sya HELLO!:)= . Pero isang beses ko palang ginawa yan. hehe.
Naiirita ako sa kaibigan ko na kung makapagkwento akala mo totoo. Naasar ako kapag may nag-iimbita sa aking ng Birthday Party pero pagdating pala sa Venue, Walanghiya. NETWORKING pala ang pupuntahan namin. Naasar ako kasi yung mga taong ganun ay natuto mang uto ng kapwa para lang kumita ng pera.
Naasar ako kapag nauubusan ako ng kanin sa bahay kahit ako naman ang nagsaing. Naasar ako kapag naglalaro ako ng Plants VS Zombie tapos biglang nag brown out. [Badtrip na MERALCO] ang mahal ng bill ang pangit ng serbisyo. wahaha. PEACE!
Naasar ako sa mga magagaling manghiram ng gamit pero hindi marunong magsuli [Baka may AMNESIA na o may memory gap lang talaga] Badtrip ako sa mga nag te text ng naka Caps Lock tapos hindi pa magpapakilala. [baka akala nya pinamanahan ako ni madam auring para manghula] LOL:)= Badtrip ako kapag naghahanap ng gamit pero ayaw magpakita pero kapag di ko hinahanap lagi ko nakikita.
Badtrip ako sa mga taong mahilig mag tag sa Facebook kahit wala naman ako pakialam o kinalaman sa bagay na yun. Badtrip ako sa ubo na ang tagal gumaling. Badtrip ako sa napakayabang uminom ng alak pero sya pala una malalasing tapos sya pa ang magpapahatid. [kapal ng muka].
Badtrip ako sa mga babaeng maganda pero masama ang ugali. Badtrip ako sa instructor ko na ginagawang Lunch Time ang oras namin. Badtrip ako sa mga taong mahilig mag GM ng text kahit di naman para sa akin. Badtrip ako sa PC na mabagal. Badtrip ako sa internet na mabagal lalo na sa laboratory eskwelahan namin.
BADTRIP AKO KAPAG BADTRIP DIN KAYO SA AKIN!
Posted by
PNKMBTNBTA
Monday, September 27, 2010
Sila ang dapat "SiSiHin!
Minsan na nga lang ako maligo, nabasa pa ng tubig ang ulo ko. May naglalaro na naman tuloy sa utak ko.
Ngayon ko lang napansin at natutunan ng aking utak na lahat talaga tayong mga pilipino mahilig manisi. Babalikan ko lang yung tungkol sa nangyaring Hostage drama noong August. Bakit kung sino sino at ano ano na ang mga sinisisi? Sinisi nila ang mga Pulis dahil daw walang training. Sinisi nila ang SWAT kasi palpak ang pag assault nila. Sinisi nila ang Media dahil nakikita ng suspect lahat ng hakbang ng mga bobong pulis. Sinisi nila ang kapatid ng suspect dahil ayaw magpa-imbita sa presinto baka may Kainan o Birthday yata ni HEPE, masyado kasing choosy...hehehe. Sinisisi nila ang mga chismosa kasi daw masyadong maingay pati tuloy mga pulis nakipag chismisan na kung ano ang Tumama sa jueteng noong nakaraan. Sinisisi nila ang Driver ng BUS kasi daw Bakit niya pinasakay si Mendoza eh hindi naman ito Taga HONGKONG.? Sinisisi nila ang malacanang kasi wala daw pakialam sa Hostage Drama. Sinisi nila si PUNO kasi daw walang binigay na hakbang. Sinisi nila si Mayor Lim kasi palpak daw ang pag-utos nya sa mga pulis. Sinisi nila ang Negotiator kasi daw hindi niya nakasundo si Mendoza. Sinisi Nila ang Jolibee, kasi daw lalong lumakas si Mendoza kasi nakakain sya ng Chicken Joy. Sinisi nila ang Gulong ng bus kasi daw umandar ito. Sinisi nila si NoyNoy kasi panay lang ang Make-Up at pa Pedicure sa Malacanang. Sinisi nila si Gloria kasi daw hindi di nya binigyan ng Training ang mga pulis noong sya pa ang presidente. Sinisi nila yung yung BUS na sinakyan ni Mendoza galing ng Batangas para makapunta dito sa Manila. Kasi kung di daw sya pinasakay galing Batangas malamang di sya makakarating sa Maynila para mang Hostage. Sinisi nila yung may ari ng BUS na kasi daw ang hirap basagin ng salamin kaya natagalan silang pasukin ito. Sinisi nila yung maso na ginamit ng Pulis kasi daw masyadong malambot yung maso at hindi matibay. Sinisi nila yung mga SNIPER kasi daw panay lang ang kwentuhan kung mapo promote na ba sila kapag natamaan nila sa ulo si Mendoza. Sinisi nila ang Mga taga HONGKONG, kasi napakalaki naman daw ng HONGKONG bakit pa sila pumunta dito sa PILIPINAS?.
Hay naku! ang Daming sinisi kahit isang tao lang ang may Gawa.
PS: Wag mo ako sisihin kasi tayo ang dapat sisihin sa mga nangyayari.!
Posted by
PNKMBTNBTA
Wednesday, September 22, 2010
Baranggay Tagay!
Malapit na naman ang baranggay Election, Madami na naman mga di tototoong tao ang maglalabasan. Madami na naman ang mga nagkukunyaring matulungin sa mga baranggay natin.Madami na naman ang magtatangkang yumaman gamit ang kanilang kapangyarihan. Madami na naman ang nagbabalak nakawin ang pera ng ating kababayan.Yun ay walang iba kundi ang mga Baranggay Kupitan este Barangay Kapitan at Barangay Kagawad na kung makasipsip parang kawad.
Anyway, Kanya-Kanyang pangako di naman nanggaling sa puso, ganyan magsalita ang mga tumatakbong kapitan at kagawad. Magagaling magsalita kasi madami ang nakakakita. Pero pag naluklok mo na yang mga kupal na yan. Swerte ka nalang kapag pinansin ka o tinulungan nyan. Unang tutulungan nyan ay yung mga taong tumulong sa kampanya nila pero ikaw na umaasa pasensya ka na wala ka na silbi para sa kanila kasi isa ka lang basura.
Bakit nakakatakbo o tumatakbo ang isang tao bilang Barangay Captain at Kagawad? Isa lang ang sagot ko dyan siguro dahil binayaran sya ng nakakataas na pulitiko para tumakbo sa pwesto na yan. Binigyan sya ng malaking pera para ipambili ng boto sa mga tao. hahaha. Ganun ang mga pulitiko sa Barangay magaling manlinlang akala mo maka dyos pero may sungay pala sa ulo.
Ang barangay Kagawad naman para sa akin ay walang kwenta, Pampagulo lang sa Barangay tong mga kagawad na to kung iisipin. Wala naman talaga silbi ang mga KAGAWAD sa barangay kasi di naman sila kailangan. Nagsasayang lang ang gobyerno para bigyan ng sahod ang mga nagpapalaki ng tiyan na KAGAWAD sa barangay natin. SANA MA STROKE KAYO . hahaha. Ang trabaho ng kagawad ay humalili o tumulong sa Kapitan pero sobrang dami naman yata ng mga baranggay kagawad sa bawat baranggay, Buti sana kung sila na rin ang maghuhukay ng kanal, magwawalis ng kalsada, at gagawa lahat ng gawain sa baranggay mas bibilib pa ako pero kung nakaupo lang sila at utos utos. Nakoooooooow.. Kagaguhan na yun.
Masarap ang buhay ng Baranggay Captain at Kagawad kasi pa petix petix lang. Pag may nakasalubong na tao babatiin lang at minsan pag naglalakad sa kalsada pa kaway-kaway pa at nakaporma, di naman nakakabusog yung kaway nila. LOL:))==
Ganyan ang buhay ng kapitan at kagawad talo pa ang artista.
Di ko na pala babanggitin ang SK(Sangguniang Kalokohan). Kasi sa totoo lang di ako naniniwala dyan.
PS: Pasensya na sa tinamaan, Wag ka sana masaktan dahil di naman ako nagbanggit ng iyong pangalan.
Posted by
PNKMBTNBTA
Wednesday, September 15, 2010
Calbayog City! Umuunlad na nga ba?
Natatawa ako.
Bakit ang dami nagsasabi nag Improve na ang Calbayog City?.
OO masasabi nyo/natin na nag improve na nga ang hometown natin pero para sa akin isang malaking kabaliktaran. Isang malaking kalokohan na nalalason ang mga utak natin sa mga nakikita natin. Maraming bagay ang laging sumasagi sa aking isipan tungkol sa pamumuhay sa calbayog. Ayaw ko sana magsalita o mag blog pero naiirita lang ako kasi lahat nalang ng sinasabi ng mga Pulitiko sa Lugar na to. Walang katotohanan,Puro malaking kasinungalingan.
Nakapunta ka na ba sa City Hall ng Calbayog?. Ewan ko kung matatawa ako o malulungkot dahil napakasarap ng buhay ng mga empleyado. Maraming Government Employee ang nakatunganga lang sa Opisina habang nagkakape at naghihintay ng sahod nila. Napakatanga naman yata ng Gobyerno dito, nagsasayang sila ng pera para sa wala. Siguro dahil nasa opisina ang mga taong to, dahil isa sila sa mga naging paraan upang maluklok ang buwayang pulitiko na to. Hindi natin sila masisisi dahil kailangan din nila ng pera para kumita at mapakain ang kanilang pamilya.
At ang isang pinagtataka ko lang pala. Halos lahat ng namumuno na pulitiko sa Calbayog City halos lahat magkamag-anak. Siguro para hindi na mapunta sa iba ang kukurakutin nila. Para magtulungan sila na nakawin ang kaban ng bayan at mapunta sa kanilang bulsa. Nakakalungkot isipin na tayo at kayo mismo ay biktima ng kanilang gawain.
Maraming mga tourist pot sa Calbayog City pero hindi ito mapansin ng Gobyerno dahil ang iniisip nila ang kanilang mga sariling interes. Ang pinaka importante sa kanila ay tumatakbo ng maayos ang kanilang negosyo. Ang importante sa kanila laging under renovation ang mga bahay nila. Ang napansin ko lang sa mga pulitiko dito, kapag siya ay nakagawa ng isang project parang piling nya lahat ng pangangailangan ng tao naibigay na nya. Pero ang katotohanan ginawa nya ang Project na yun para maka kurakot sya.
Kapag baranggay Chairman o Kagawad ka sa isang barangay, tiyak ko malaki ang kikitain mo kapag nakapag pagawa ka ng isang project. Dahil sigurado akong malaki ang kukurakutin mo. hahaha. no offense . wala akong binabanggit na pangalan, siguro yun lang ang katotohanan.
PS: kung magagalit ka sa blog na to. ibig sabihin tinamaan ka. Pero pag hindi ka nagalit ibig sabihin naniniwala ka.
Posted by
PNKMBTNBTA
Tuesday, September 7, 2010
Life ng Buhay.!
Madaling mabuhay pero mahirap humarap sa buhay. Maraming bagay ang mga dapat daanan para ito ay malampasan. Ang buhay parang ampalaya mapait pero minsan para din itong asukal matamis.
Sa sarili ko lagi ko tinatanong bakit ganito mabuhay? Ang hirap ipaliwanag pero sa iisang salita Mahirap talaga mabuhay. Minsan dumadating ang mga problema na kailangan malagpasan pero ang katotohanan ay may kasunod pa yan. Mahirap maging satisfy sa buhay ng tao, dahil marami tayong bagay na ginugusto kahit ito ay di totoo. Ayaw ko mag expect o maging positive sa buhay ko baka umasa lang ako. Ayaw kong sabihing ako ay magiging superhero dahil sinabi ko na yan noong bata ako,pero ngayon ko lang nalaman na niloloko ko lang ang sarili ko. Simula ngayon ayaw ko tumingin sa sarili ko na mataas ako kesa sayo o sa ibang tao, dahil ngayon alam ko na kung ano ang kalidad ko. Alam ko na ngayon na isang simpleng mamamayan lang ako, na kumakain din ng kanin kagaya nyo.
Nakakatakot mabigo sa buhay na tinatahak mo pero susubukan mong lumihis para ito ay magbago, tapos ang kakalabasan pala nito ay isang pagkakamali na di mo inasahan na dadating sa buhay mo. Pero ok lang yun, ang mahalaga humihinga ka parin at nandito sa mundo. Wag kang mawawalan ng pag-asa sa lahat ng bagay, dahil maraming paraan ang pwede mong gawin para maging successful ang paninirahan mo sa planetang to. Wag ka huminto sa pag-aaral mo dahil requirements na ito kapag pupunta ka sa Impyerno. hahaha
Wag kang matakot umapak sa matinik na daan patungo sa mabuting kinabukasan, dahil alam kong kayang-kaya mo yan. Ok lang masugatan at least ito ay iyong naranasan para sa susunod na mangyari ito sa iyong buhay alam mo na kung paano lumaban. Wag kang mainggit kung anong meroon ang iba, Dahil alam mo naman na kung anong meroon sila at ikaw wala ka.. diba?. Matuto kang mabuhay sa sarili mong kamay at paa para hindi ka maging pala-asa o maging taong walang pag-asa..
Ngayon Gusto ko baguhin ang sarili ko, Ang sarili mo babaguhin mo pa ba o kuntento ka na?
Posted by
PNKMBTNBTA
Subscribe to:
Posts (Atom)