Thursday, September 30, 2010

Humayo kayo at Magparami!




Ayaw ko sana makialam sa usaping Simbahan at sa gobyerno pero gusto ko makialam wala kayong magagawa.



Nakakasar isipin na ang Simbahan natin ay nakikialam sa mga balak ng gobyerno tungkol sa batas. Naiirita ako kasi di naman tungkulin ng simbahan ang pakiaalaman kung ano ang balak ng gobyerno. Ang tungkulin nila ay gabayan ang mamayan gamit ang salita ng dyos hindi ang pakialaman kung anong makakabuti sa atin. Siguro hindi maintindihan ng ating mga Pare ang batas na Reproductive Health Bill kasi wala silang asawa at wala silang anak na binubuhay. Pero para sa akin, masakit isipin na napakadami ng batang natutulog sa lansangan, madaming bata ang nagugutom, madaming bata ang walang tirahan at walang suot na maayos na pananamit. Siguro di maintindihan ng mga PARE yun kasi di nila makita o maramdaman ang pinagdadaanan ng ating kabataan. Kapag itoy ating pabayaan baka sila ay tuluyang dumami at mapabayaan ng lipunan. Kung ayaw ng simbahan ang Family Planning kaya ba nilang ampunin ang mga batang lansangan? kaya ba nila itong pag-aralin at bigyan ng magandang buhay balang araw? kaya ba nila itong patulugin sa maayos na higaan? Hindi naman diba. Kasi ang ibang mga Pare hindi dyos ang sinasamba nyan kundi ang Limos ng Simbahan. [No Offense kasi di ko naman nilalahat]

Kapag patuloy na pinipigilan ng simbahan ang Reproductive Health Bill baka mas lumalala ang sakit ng ating lipunan. Mas madaming Fetus ang ating mababalitaan na tinapon sa basurahan. Mas madaming tao ang lalong mahihirapan kasi lalong dadami ang kanilang mga anak. Mas madaming mga bata ang sumasakay sa jeep na may dalang sobre at nanghihingi ng pera pambili ng makakain. Mas madami ang mga batang nanglilimos sa daanan papunta ng MRT sa Metro Manila. Mas dadami ang mga kabataan na walang pinag-aralan tapos paglaki nila sila magiging magnanakaw sa ating lipunan. Sana wag naman ganun. Gusto ko maiba naman ang takbo sa susunod na henerasyon.

Hindi ang relihiyon ko ang aking kinakalaban dito kundi ang mga pare na pumipigil sa mga balak ng ating gobyerno.

No comments:

Post a Comment