Sunday, November 28, 2010

Kawawang kabataan sila ay napabayaan.



Hindi ako naniniwalang may pag-asa ang ating bayan hanggat madami akong nakikitang kabataan na kagaya dyan sa larawan. Laging tanong sa akin isipan, Bakit sila napabayaan? Siguro dahil sa kapabayaan ng magulang at ng ating lipunan. Mga magulang, na anak lang ng anak kahit wala naman maipakain. walang mga konsensyang mga magulang, walang inisip kundi pasarap pero ang mga bata naman ang maghihirap (Bato bato sa langit tamaan wag magalit) . Ayaw ko sisihin ang Gobyerno sa ganitong aspeto dahil hindi naman ito ginusto ng ating gobyerno, Walang ibang dapat sisihin kundi ang taong gumagawa nito. Matutuwa ako sa gobyerno kapag gumawa sila ng batas na IKULONG ang mga magulang na hindi kayang buhayin ang mga anak. Masyado kasing abuso tayong mga pilipino kaya lalo tayong naghihirap. Puro kayo pasarap hindi nyo naman iniisip kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Maraming nagsasabi, OO magbabago na kami pero ang katotohanan wala naman mangyayari.




Tingnan mong mabuti ang larawan. Isipin mo, Mag-isip ka. Tingnan mo sarili mo. Ikumpara mo kung anong meroon ka na wala sila. Para sa akin mas bilib ako sa mga batang yan kesa sa taong nagbabasa ngayon nito. Yan ang mga batang IDOLO ko, yan ang mga batang hindi sigurado kung makakain ngayon,mamamaya,bukas, o sa susunod pa na araw. yan ang mga batang walang maayos na tinutulugan sa gabi at walang maayos na damit araw-araw. Yan ang mga bata na kadalasan mo makita kahit saan ka man kalye sa Metro Manila. Minsan naiisip ko, mabuti pa ang aso na nagkalat lang sa kalye hinuhuli at dinadala sa Rescue Center o saan man lugar na safe sya. Pero ang mga batang ito na nagkalat sa kalye, bakit pinabayaan nalang? Minsan may mga bata na dinadala sa DSWD pero may mga batang kalye akong nakausap sabi sa akin ng bata, parang hayop daw ang turing sa kanila doon kaya ayaw nila doon kaya tumatakas sila, Sobra-sobra naman yata ang disiplina na binibigay nila, dapat sa mga ganitong bata ay binibigyan ng tamang pag aaruga at pagmamahal dahil yun ang inaasam nila sa buhay nila. Ang mga batang yan ay naghahangad ng pagmamahal upang mabuo ang kanilang pangarap. Wag naman sana natin sila pabayaan, dahil para sa akin sila ang pag-asa ng bayan.

Kapag walang tao o Gobyerno na tumulong sa mga batang yan tayo din ang magiging kawawa at nakakatawa. Minsan inisip ko sa sampung ganyang bata ilan kaya dyan ang aangat ang buhay sa hinaharap? ilan kaya dyan ang manganganak na katulad din sa naranasan nya ang dadanasin na buhay. Ilan kaya sa mga batang dyan ang magiging future criminal sa ating bansa. Ilan kaya dyan ang magiging Most Wanted sa hinaharap?

NOTE: SA NGA PULITIKO NA MALAKI NA ANG KURAKOT, AMPUNIN NYO NA LAHAT NG BATANG KALYE. ^_^

No comments:

Post a Comment