Friday, June 10, 2011

Teka lang!! Buhay pa ang blog ko.

10 years akong nag isip, 8 months akong nag type sa keyboard, tapos mawawala lang dahil sa tsimis na nagtaas na ang bill ng kuryente namin. Di ako papayag, di ako susuko.

Ito na.....


Hetoooooooooooooooo naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Hindi ako ganun katalino na tao para gumawa ng English na blog. Di ako kasing talino ng kumpare ko na si Jose Rizal para gumawa ng isang napakahusay at napakalabong Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Hanggang ngayon di ko parin maintindihan ang dalawang libro ni Rizal. Nakilala ko lang ang mga tauhan kagaya nila Ibarra, Maria Clara, Sisa, Crispin, Basilio, Padre Damaso, Kapitan Tiyago, at marami pang iba. Nakilala ko rin sila Lito Lapid, Robin Padilla, Rosanna Roces, Aubrey Miles, Bong Revilla, at iba pa. Awts! Mali di na pala sila kasali sa Cast ng libro ni Pareng Jose. Mga kilalang Action Star at Bida pala sila ng ilang malalaswang pelikula sa takelya.haha. Pwede naman siguro humingi ng Pasensya :)=

Iisa lang ang starting at ending ng pelikulang pilipino May magka loveteam na magkakakilala tapos may bed scene na mangyayari tapos gyera patay ang kotrabida. Ayun! tapos na ang pelikula. Sayang lang ang binayad mo na pera. Di na ako na e excite sa pelikulang pilipino pero dahil paborito ko ang manood ng tagalog movie pinagbibigyan ko parin kahit ayaw na ng panlasa ko.(nakakaumay) LOL :)=

Kapag nakakakita ng artista ang mga tao sa mall nagsisigawan agad sa sobrang kilig. Tumitili na akala mo wala ng bukas. Pero pag pulitiko naman ang nakikita sumisigaw ang tiyan na walang laman at papakinggan ang isang napakalupit na pangako.

Di ko kayo ma gets kaya di nyo ko maintindihan, magulo ang isip ko nakakalito ang utak ko. Minsan kasi kailangan natin intindihin ang isang bagay kahit di natin maintindihan. Di ako naniniwala na meron matalinong tao lahat tayo may kahinaan. Lahat ng tao di pareho, hindi pantay kaya nga may tinatawag na maliit at malaki. Mahaba at maikli. Mahirap at mayaman. Pangit at Maganda. Ilan lamang yan sa mga pangit nating ugali. haha mahilig tayong mag kumpara sa iba. Mahilig tayong ikumpara ang sarili natin sa ibang tao. Syempre, kapag sarili mo mismo ang ikukumpara mo mas nakakaangat ka. Pero kapag ibang tao ang maghusga Pasensya ka na!! Nangangarap ka lang ng gising. haha.

Bat ba ganun ang tao? Minsan di natin maintindihan, minsan naman kailangan natin intindihin. Tao ba talaga ang tawag dun o nag tatau taohan lang.

Bwahahahhaha.


Wala na akong masabi, wala na akong maisip. Ang importante sa akin ngayon nakapag input ako ng blog this month kahit di nyo maintindihan.


Thanks !! :) Cheers!

Friday, March 18, 2011

Metro Manila magpalit kana ng Damit. Ang baho mo na.





Sa sobrang tagal ko na dito sa Metro Manila, hindi na imposible kung mailalarawan ko ito ng napakabilis at napaka simple. Madami na akong lugar na napuntahan sa Metro Manila lalong lalo na ang tunay na Mukha at imahe ng Metro Manila, ang SQUATTERs AREA. Napakasimple at napakasalimuot ng pamumuhay pero masaya. Maraming bata ang walang short, damit, tsinelas na naglalaro sa kalsada at kung mamalasin ka pa kokotongan ka pa nila. Ang mga batang nakakaawa dahil dapat nasa paaralan sila pero bakit nasa lansangan sila? Bakit dun sa may labas ng simbahan may otso anyos na babae na naglalako ng Sampaguita para kumita at para maipang sugal lang ng nanay nya [kapal ng muka]. At kung mapalingon ka pa sa kanan may makikita kang mga babae na napakahaba ng pila akala mo may concert ni Sharon Cuneta at Fans Day ni Anabell Rama, yun pala pila ng kababaehan na nagtatangal ng kuto nila. kapag lumingon ka naman sa kaliwa may grupo ng mga babaeng tsismosa na kung makapag kwento akala mo sila na ang the best na broacaster sa media. Talo pa nga nila si Ted Failon, Korena Sanchez, at Noli De Castro kung makapagkalat ng balita, dahil di pa nangyayari ang balita alam na alam ng mga tsimosa ang balita. Kapag pumasok ka pa ng iskinita dun mo makikita yung mga akala mo anak ng mayayaman na kung mag inuman akala mo napakadami ng pera. Yan ang mga tambay sa squatters area. mukang mababait pero pagdating ng gabi sila ang nanghahablot ng cellphone, nang i snatch sa daan, nanunutok ng patalim, nagtutulak ng druga, nang re rape, nangsasaksak, nandudukot at madami pang krimen para lang kumita ng pera. Pero bilib ako sa mga taong to dahil pinaghirapan talaga nila hindi kagaya ng mga pulitiko napakadali lang magnakaw ng pera.

Metro Manila! Metro Manila! Metro Manila! Mausok ang kalsada at ang mga tsuper ay walang disiplina. Masarap sumakay ng jeep lalo na kapag dumadaan sa pangunahing kalsada, talagang mararamdaman mo ang sarap ng biyahe at malalasap mo ang pulosyon sa kalsada. Jeep ang pangunahing transportasyon kahit san ka magpunta kaya kung di ka pa nakaranas na sumakay ng jeep, umalis kana dito sa metro manila at wag mo nang basahin ang blog na to dahil sure akong di ka matutuwa sa sasabihin ko. [tanginamo] . ^_^.

Masarap kumain ng mga street foods sa kalye kahit alam mong ito ay madumi at hindi nakakabuti sa ating kalusugan. Masarap kumain ng kwekkwek pero di mo alam kung ilang araw nang naka stock ang egg. Masarap kumain ng kalamares pero di mo alam kung dinuraan yun bago lutuin at di mo alam na meron palang galis sa kamay ang naglamas nun habang hinahalo sa arina. Masarap rin ang sauce nila pero di mo alam na may uhog pala ng anak ng nagtitinda ang sauce na yun habang ginagawa. Masarap kumain ng fishball pero di mo alam na yung mga stick na pinangtutusok mo dun ay paulit-ulit na inapakan at dinuraan habang nasa pagawaaan. Pero mas masarap kung sumuka ka at kainin mo rin yung isinuka mo. ^_^


Ang sarap sa pakiramdam na tumira sa Metro Manila pero masakit lang sa bulsa. Magastos, Maluho, Mabisyo, at higit sa lahat. NAKAKATAKOT! Sa sobrang dami nagkalat na sira ulo dito sa Metro Manila walang makapasok na terorista pero kung meron man di sila magtatagal dito sa atin. Malamang maubusan sila dito ng pera sa dami ng mga mandurukot at snatcher dito baka maubos ang gamit nila. Hindi nila mapapasabog ang mga eroplano dahil palaging delay ang flight, mainip sila sa kahihintay. At kung mapasabog man nila ang mga building ng ating gobyerno hindi nakakatakot, dahil sigurado akong konte lang ang patay dahil ang iba hindi naman pumapasok lalo na yung mga government officials. haha. At kung gusto ng terorista maghari harian sa kalsada di rin nila magagawa yun dahil kokotongan sila ng ating mga Pulis at MMDA. ubos pera nila. :D haha. at kung gusto nilang bumalik na sa pinanggalingan nila di rin sila agad makakaalis dahil napakabagal ng usad sa gobyerno kapag mag ayos ng papeles. haha. Malamang mamatay muna sila bago makaalis.. Yan ang mga dahilan kung bakit walang terorista na nagtatangka sa ating bansa.

Nakakaawa isipin na hubad ang metro manila at walang maayos na damit. Mabuti pa nga ang mga government officials nakakabili ng mamahaling kasuotan pero ang bayang kanilang pinaglilingkuran hindi parin nagbibihis ilang taon na ang nagdaan. Nakakatawa na ang mga anak ng mga pulitiko sa ibang bansa nag-aaral pero ang Metro Manila walang pinag-aralan hanggang ngayon elementary parin. Ang bahay ng mga pulitiko hindi nilulubog ng baha pero ang Metro Manila paulit-ulit nalang ang baha.

Ngayon ko lang nalaman kaya binoto ka ng bayan. Siguro dahil maganda ang ngiti mo at kumikinang ang mata mo at nakakasilaw ang iyong kasuotan. Oo matalino ka pero ang tanong. May PUSO ka ba? Di ko maramdaman na may meron tayong mga politician nararamdaman ko lang ito pag malapit na ang halalan. Di ko rin maramdaman kung saan napunta yung buwis sa binili kong Redhorse noong nakaraan. Kung wala kayong pakiramdam pwede kayong sumunod sa bayani na si Rizal at magsabi ng Huling Paalam.

Kung buhay pa ang ating bayaning si Andress Bonifacio at si Jose Rizal malamang hindi bala ng baril ang kanilang ikakamatay ngayon kundi problema ng bayan.

Monday, February 28, 2011

Wag ka KUKURAP!

May isang matanda na nagtanong, Bakit daw di na ako gumawa ng Blog? sabi ko, Pasensya na po lola naging busy ako nitong mga nakaraang araw at medyo wala ako gana mag blog.

Anyway, ito na to eh. nag start na ako ede tatapusin ko na.


Sino IDOL mo? Pulitikong Kurap o Mahihirap?



Ako? Idol ko ang mga pulitikong kurap kesa sa mahihirap kasi matataas pinag-aralan nila yun nga lang makakapal talaga ang mukha. haha. Ang mga pulitiko ay sikat samantala ang mahihirap araw ang sumisikat dahil sa walang matuluyang bahay, nasa arawan ang hanap-buhay. Di ko masisisi ang mga pulitiko pero sila ang dapat sisihin dahil puro nalang sila porma at gawa ng gawa ng plataporma para sabihin sila ang bida pero ang katotohanan nagpapalaki lang sila ng tiyan parang salbabida.

OO, Aaminin ko. Matatalino ang mga pulitiko dito sa bansang to pero hindi nila ginagamit ang kanilang talino dahil silaw sila sa kapangyarihan at salapi ng bayan. Meron nga iilang matino pero dahil sa impluwensya ng isang kaibigang kurap nahawa nalang at nakipagsabayan sa pagnanakaw ng kaban ng bayan. Mahirap magsalita dahil di naman natin nakikita pero mas may katotohanan kung nararamdaman natin.

Matagal na akong nag-iikot at namamasyal sa mga internet forum kahit sa mga international forum nakikibasa ako kahit di ako nakakaintindi ng english. haha. Marami akong nabasa na mga negative comment sa bansa natin. Kagaya ng sabi ng isang foreigner sa isang forum na ang mga pulitiko daw sa Philippines ay KURAP:D= sabi ko naman. "ARE YOU SURE?" madami nag-reply sa tanong ko. Pero iisa lang ang sagot ng lahat. isang malaking YES! . Di ko na tinanong kung bakit dahil alam ko naman. hahaha.



Sigi hanggang dito nalang muna. Madami pa akong gagawin sa ngayon.

Monday, January 24, 2011

Ang mga Tunay na Artista sa likod ng Pelikula. hahaha

Medyo matagal din akong di nakapag POST ng Blog. Sa dami ng problema na dinaanan ko kailangan ko pang lumangoy sa napakalawak na bundok, at Umakyat sa napakataas na dagat para lang malampasan yun, para akong hinahabol ng isang libong langgam habang tinatahak ko yung daan papuntang SOLUSYON..



"Tama na ang drama, balik na sa kwela iwanan na ang problema harapin ang umaga" Yan ang sabi ng naglalako ng taho sa Cubao. OO, naniwala ako sa sinabi nya kasi kung di ako maniniwala, wala nang ibang maniniwala sa kanya. Diba!? Bilib na bilib ako kay manong dahil sa bigat ng dala-dala nyang Taho nagagawa nya pang tumawa at magbiro. Kahit tumutulo ang pawis nya sa Taho nya, tuloy parin ang lakad nya. OO, nga naman ang pawis ng isang magtataho ay masustansya. Bakit? Dahil pinagpawisan nya yan kaya dapat Proud ka na ang Kinakain mong taho sa umaga ay pinaghirapan at pinagpawisan ni manong yan para makakain ka.




"If you born poor, it's not your mistake. But if you die Poor it's your Mistake". Yan naman ang sabi sa akin ng nanglilimos na PULUBI sa Recto,. Biglang napaisip na naman ako, dahil tinamaan ako sa sinabi nya. Mahina lang boses nya nang sinabi nya yan pero napakalakas ng Sound Effect at Emotional Effect para sa akin. Napa WOW na naman ako sa sinabi ng PULUBI, dahil kahit pulubi sya pinipilit nya parin kumita nang pera (manglimos) para lang mabuhay sya. Yun ang paraan nya para kumita ng pera at least pinaghirapan nya kahit mabasa sya ng ulan at magpatuyo sa araw at mausukan ng sasakyan., hindi kagaya ng iba naghihintay lang ng pinaghirapan ng iba nang walang kahirap hirap. Nakaupo lang na parang mga hayop sa Zoo na naghihintay lang na pakainin ng AMO. Bakit ganun? may mga taong di makaintindi sa pinaghihirapan ng iba, sana ma appreciate naman nila. (Bato-Bato sa langit ang matamaan PANGIT). hahaha




"Kung Gusto Mong Mabuhay, Kailangan mong Maghanap-Buhay". Yan naman ang sabi ng CONSTRUCTION WORKER na naghahalo ng semento sa EDSA. Napapabilib talaga ako sa mga taong to, kahit hirap na hirap, ngalay na ngalay, kayod parin ng kayod makakain lang at Makapag INUMAN pagkatapos ng trabaho. hahahaha. Yan ang mga taong tunay na nag tratrabaho, Yan ang mga taong tunay na nagbabanat ng Buto. Ito dapat ang maging idolo ng tao. Hindi yung mga nakaupo lang na Pulitiko sa naka aircon na kwarto at mga Artistang nakaharap lagi sa Camera. hahaha..




Madami pa sana ako gusto idagdag kaso mas madami pa akong ibang gagawin kesa sa mga idadagdag. hahaha