Friday, March 18, 2011

Metro Manila magpalit kana ng Damit. Ang baho mo na.





Sa sobrang tagal ko na dito sa Metro Manila, hindi na imposible kung mailalarawan ko ito ng napakabilis at napaka simple. Madami na akong lugar na napuntahan sa Metro Manila lalong lalo na ang tunay na Mukha at imahe ng Metro Manila, ang SQUATTERs AREA. Napakasimple at napakasalimuot ng pamumuhay pero masaya. Maraming bata ang walang short, damit, tsinelas na naglalaro sa kalsada at kung mamalasin ka pa kokotongan ka pa nila. Ang mga batang nakakaawa dahil dapat nasa paaralan sila pero bakit nasa lansangan sila? Bakit dun sa may labas ng simbahan may otso anyos na babae na naglalako ng Sampaguita para kumita at para maipang sugal lang ng nanay nya [kapal ng muka]. At kung mapalingon ka pa sa kanan may makikita kang mga babae na napakahaba ng pila akala mo may concert ni Sharon Cuneta at Fans Day ni Anabell Rama, yun pala pila ng kababaehan na nagtatangal ng kuto nila. kapag lumingon ka naman sa kaliwa may grupo ng mga babaeng tsismosa na kung makapag kwento akala mo sila na ang the best na broacaster sa media. Talo pa nga nila si Ted Failon, Korena Sanchez, at Noli De Castro kung makapagkalat ng balita, dahil di pa nangyayari ang balita alam na alam ng mga tsimosa ang balita. Kapag pumasok ka pa ng iskinita dun mo makikita yung mga akala mo anak ng mayayaman na kung mag inuman akala mo napakadami ng pera. Yan ang mga tambay sa squatters area. mukang mababait pero pagdating ng gabi sila ang nanghahablot ng cellphone, nang i snatch sa daan, nanunutok ng patalim, nagtutulak ng druga, nang re rape, nangsasaksak, nandudukot at madami pang krimen para lang kumita ng pera. Pero bilib ako sa mga taong to dahil pinaghirapan talaga nila hindi kagaya ng mga pulitiko napakadali lang magnakaw ng pera.

Metro Manila! Metro Manila! Metro Manila! Mausok ang kalsada at ang mga tsuper ay walang disiplina. Masarap sumakay ng jeep lalo na kapag dumadaan sa pangunahing kalsada, talagang mararamdaman mo ang sarap ng biyahe at malalasap mo ang pulosyon sa kalsada. Jeep ang pangunahing transportasyon kahit san ka magpunta kaya kung di ka pa nakaranas na sumakay ng jeep, umalis kana dito sa metro manila at wag mo nang basahin ang blog na to dahil sure akong di ka matutuwa sa sasabihin ko. [tanginamo] . ^_^.

Masarap kumain ng mga street foods sa kalye kahit alam mong ito ay madumi at hindi nakakabuti sa ating kalusugan. Masarap kumain ng kwekkwek pero di mo alam kung ilang araw nang naka stock ang egg. Masarap kumain ng kalamares pero di mo alam kung dinuraan yun bago lutuin at di mo alam na meron palang galis sa kamay ang naglamas nun habang hinahalo sa arina. Masarap rin ang sauce nila pero di mo alam na may uhog pala ng anak ng nagtitinda ang sauce na yun habang ginagawa. Masarap kumain ng fishball pero di mo alam na yung mga stick na pinangtutusok mo dun ay paulit-ulit na inapakan at dinuraan habang nasa pagawaaan. Pero mas masarap kung sumuka ka at kainin mo rin yung isinuka mo. ^_^


Ang sarap sa pakiramdam na tumira sa Metro Manila pero masakit lang sa bulsa. Magastos, Maluho, Mabisyo, at higit sa lahat. NAKAKATAKOT! Sa sobrang dami nagkalat na sira ulo dito sa Metro Manila walang makapasok na terorista pero kung meron man di sila magtatagal dito sa atin. Malamang maubusan sila dito ng pera sa dami ng mga mandurukot at snatcher dito baka maubos ang gamit nila. Hindi nila mapapasabog ang mga eroplano dahil palaging delay ang flight, mainip sila sa kahihintay. At kung mapasabog man nila ang mga building ng ating gobyerno hindi nakakatakot, dahil sigurado akong konte lang ang patay dahil ang iba hindi naman pumapasok lalo na yung mga government officials. haha. At kung gusto ng terorista maghari harian sa kalsada di rin nila magagawa yun dahil kokotongan sila ng ating mga Pulis at MMDA. ubos pera nila. :D haha. at kung gusto nilang bumalik na sa pinanggalingan nila di rin sila agad makakaalis dahil napakabagal ng usad sa gobyerno kapag mag ayos ng papeles. haha. Malamang mamatay muna sila bago makaalis.. Yan ang mga dahilan kung bakit walang terorista na nagtatangka sa ating bansa.

Nakakaawa isipin na hubad ang metro manila at walang maayos na damit. Mabuti pa nga ang mga government officials nakakabili ng mamahaling kasuotan pero ang bayang kanilang pinaglilingkuran hindi parin nagbibihis ilang taon na ang nagdaan. Nakakatawa na ang mga anak ng mga pulitiko sa ibang bansa nag-aaral pero ang Metro Manila walang pinag-aralan hanggang ngayon elementary parin. Ang bahay ng mga pulitiko hindi nilulubog ng baha pero ang Metro Manila paulit-ulit nalang ang baha.

Ngayon ko lang nalaman kaya binoto ka ng bayan. Siguro dahil maganda ang ngiti mo at kumikinang ang mata mo at nakakasilaw ang iyong kasuotan. Oo matalino ka pero ang tanong. May PUSO ka ba? Di ko maramdaman na may meron tayong mga politician nararamdaman ko lang ito pag malapit na ang halalan. Di ko rin maramdaman kung saan napunta yung buwis sa binili kong Redhorse noong nakaraan. Kung wala kayong pakiramdam pwede kayong sumunod sa bayani na si Rizal at magsabi ng Huling Paalam.

Kung buhay pa ang ating bayaning si Andress Bonifacio at si Jose Rizal malamang hindi bala ng baril ang kanilang ikakamatay ngayon kundi problema ng bayan.

No comments:

Post a Comment