maraming nagsasabing mahirap sila, lalo na kapag iniinterview ang mga taong ito ng media, halos magmakaawa pa sa camera para lang maawa ang mga manonood sa kanilang pamumuhay
maraming factors kasi ang nakakaapekto kung bakit naghihirap itong mga tatawagin nating “self-proclaimed mahihirap” na ito
at isa sa pinakamalaking dahilan ay ang “BISYO”
makikitang ang isa sa pinakamalalaking negosyo sa ating bansa e yung may kinalaman sa bisyo, nandyan ang industriya ng alak, sigarilyo at syempre yung sugal
unang una, sino ba ang number one consumer ng alak sa ating bansa? hindi ba ang mahihirap,
tumingin tingin ka lang sa mga kalsadang nadadaanan mo, hindi ba’t kahit isa dyan mayron kang makikitang nag iinuman sa kalye,
kahapon lang ilan kayang bariles ng beer ang naubos ng pilipinas?
mga milyonaryo ba yung lumalaklak ng markang demonyo maghapon? siguradong alak pang mayaman ang binibili nung mga iyon at hindi yung nabibili lang sa suking tindahan.
panay mayayaman ba yung mga nakapila at tumataya sa lotto sa araw araw na ginawa ng PCSO?
mga rich kids ba yung mga makikita mong nakatambay maghapon sa tayaan booth ng karera ng kabayo?
mga tycoon ba yung nakikita mong nagsasakla, tong-its, at kung ano ano pang sugal na pwede mong makita sa kalye?
hindi ba yang mga taong ganyan yung mga klase ng taong paladaing at mura ng mura kapag walang pera? sila rin yung kapag nainterview ng media e daing ng daing dahil wala daw makitang trabaho, at dahil daw iyon sa walang kwenta nating gobyerno
makakakita ba ng trabaho yang mga yan e hindi naman naghahanap
depende kung may hiring sa tayaan ng kabayo o kaya naman sa
harap ng sari sari store kung saan pwedeng mag-inuman, o kaya naman bouncer sa pasugalan
panay pasarap ang mga hinayupak tapos kapag wala ng pampasarap, sa iba na ibinabaling ang sisi
pinapainit nyong ulo ko, bagong taon na bagong taon .. *hik*
No comments:
Post a Comment