Kalagayan ng bayan ni Juan...!
History repeats itself. rally dito, rally doon, rally everywhere.
do you think mababago pa gobyerno natin? yes but not for better but for worst
corrupt officials remain in the sky, changing positions nga lang.
may presidente na bang hindi nakaranas ng mabigat na kritisimo? kasama na sa
dekorasyon ng demokrasya ang istilong ito.
marahil ay nasobrahan na tayo sa kalayaan. lahat kasi magaling at nagmamagaling
walang kayong alam kundi ang manisi ng manisi, puro kayo sisi, puro kayo sisi
mali yan at eto ang dapat! yan ang madalas na binibigkas
hindi lahat naluklok sa pwesto ng dahil sa kanilang talino
kundi sa taglay na pang gugulang. bakit? kapangyarihan at pera ang nagluklok sa kanila.
may mga ilan na naluklok gawa ng magandang layunin ngunit nagiging marahas dahil na rin
sa pagkakaisa sa katiwalian. dahil sa pansariling interes, nasisikmura na nilang
pahirapan ang mamamayan. ito marahil ang ginagawang susi sa ngayon ng bawat
naghahangad na maluklok sa pagka pangulo, ang pangakong pag ahon sa kahirapan.
naka droga yata ang mga to nung nag desisyon, isipin mong babaguhin daw nila ang sistema
hindi kayo superhero, haler!.
Mag ingat sapagkat buhay pa ang alamat.
"Kahirapan para sa katamaran"
suportahan daw ang mahihirap, common sense, aasenso ba ang bansa kung panay
palamon lang sa mahirap? ulol, magtrabaho naman kayo. kung sabagay tutulungan kayo pag naluklok sa puwesto,
sustento ulit sa droga, baka legal na yung jueteng. walang kaibigan, walang kamaganak..ang masasadlak.
kaibigan kasi ng masang umaasa. wag nyong subukan, baka matulad kay kwan...kwan...kwan... (kawawa naman)
sa madaling salita, mas dadami ang tamad
May pag asa pag sama sama, ayun naman sa iba
"Nagbabaka sakaling ang pwesto ay marating"
tama, may pag asa pa silang makapag kurakot lalo na pag sama sama.
yun ay kung parehas sa hatian, malamang walang bukingan. pagnagkataon na may madehado,
maririnig na naman natin ang katulad ng ZTE, C5 Project..etc at pati na rin mga pangalang
katulad ng jose pidal, jose velarde etc.. akalain mong kababayan pala natin yan
nasa pwesto na sila pero di pa rin nagawa ang dati pa nilang layunin na pagbabago
nung nakaraang eleksyon ganito rin ang sinabi nila,
mas bobo pa sa bobo ang bomoto sa ganito
kaunlaran daw, nakakatawa! ilang taon na kaya silang senador, congressman
kailangan daw kasi umakyat sa mas mataas na puwesto...... para mas marami ang kurakot
showbiz muna bago politika
"Paramihan ng pelikula, sino ang mas kilala?"
eto naman ang tugtog ng iba. pag feeling sikat, mas lalong magpapa sikat.
mas malaki siguro kita sa politika kesa pag aartista.o kaya naman magandang sideline talaga ang politika
ang walang alam ay iboboto ng mga wala ring alam. sikat eh kaya ok na yan
lintik lang kung ang pamamalakad ay kasuklam suklam. nangyari na to, mangyayari pa kaya?
bat ko pa pala tinatanong... habang buhay na mangyayari to.
Napilitan tumakbo nang dahil sa magulang na yumao
"itutuloy ang laban ni _ _ noy este ng pinoy"
ano naman kaya ang magagawa nito kung susunod lang sa nakapaligid nyang tao
sigaw ng mamamayan daw, guni guni lang nila yun.
ang mamamayan pag sumigaw, hindi malinaw.
karamihan sa kanila, tyan ang sumisigaw, sa kahirapan umaayaw
at hindi ibig sabihin ay IKAW. malinaw? malinaw na malinaw ang kinang ng kapangyarihan
at baka dito ka nasisilaw. nawa'y manatili kang dilaw kung sakaling mali ang aking pananaw
sa tulad mong naliligaw.
akala mo trapo yun pala katropa mo
"Ang laki sa hirap ay nangangarap"
tropa mo mukha mo! ni isang inuman di kita nakaharap at never pa tayo nag usap.
ganito marahil ang lumang tugtugin ng isang politiko.
karamay mo raw sa oras ng pangangailangan kaya nais maluklok sa pwesto
nek nek mo! ilan kayong pare parehong binibigkas pero sinungaling pa sa ahas
Bangon Pilipinas! sigaw naman ng may makadiyos na batas
"Maniwala ka este manalig ka..."
malaki ang respeto ng bansa sa simbahang katoliko, makalusot kaya ito?
pag nagkataon, ang holiday sa Pilinas ay laan sa pag samba
at kailangan may cry effect para madinig tayo ng diyos nila
ibig sabihin, ipagpapa sa diyos ang kinabukasan ng bansa.
wag na lang natin masyadong usisain ang epekto ng kanyang pagtakbo
dagdag ko na rin...
kabilang sa mga pinakamahihirap na lugar sa bansa nakatayo naman ang naglalakihang mansion ng mismong lider
at nagawa pang bumuo ng sariling pwersa, sino nga naman ang mag aakalang may tatak pa
ng ahensiya ng gobyerno ang masasakote sa kuta ng mga ito.
nakakalungkot na ganito ang nagpapalakad at magpapalakad sa sa ating bansa.
VOTE WISELY... Nagparehistro ka bomoto ka ng naayon sa iyong panlasa... ang pinakahirap lang ay ang mag desisyon o pumili ng iboboto, dahil hindi yan katulad ng kanin na kapag ikaw ay napaso pwede mong iluwa...
No comments:
Post a Comment