may mga bagay talaga na gusto nating iwanan pero di natin magawa. kagaya nalang ng bisyo na mahirap mawala sa ating mga pilipino. para kasing di kumpleto ang social life mo kung wala kang bisyo.,
mas malupit pa nga ang bisyo kesa sa pag-ibig, kasi pag naghiwalay kayo ng gf/bf mo madali lang mag move-on, madali lang makalimot at makahanap ng panibago.
pero pustahan tayo pag sa bisyo ka naman napaibig ewan ko lang kung di ka tuluyang mapamahal, kahit anong paraan gagawin mo para may pang bisyo ka lang. kahit iwanan mo ang bisyo, pag binalikan mo nandyan parin yan, hindi kagaya ng sira ulo mong gf/bf kung kelan gusto mo ayusin lahat, makikita mo nalang may kalandian nang iba.
Bisyo na di ko maiwanan, bisyo na napamahal ako ng mga ilang buwan kaya ngayon di ko na maiwanan, ANG PAGIGING "LASENGGERO" . dati pag nakakakita ako ng nag iinum sa kalye lagi ko sinasabi di ako gagaya sa mga yan. mga lasenggerong walang bait sa sarili, pero sa kalagayan ko ngayon naiintindihan ko kung bakit ganun.! Minsan pag umaga pagkagising ko naiisip ko nalang na talagang napakagago ko. lagi ko sinasabi di na ako iinum pero pagdating ng gabi kasama ng mga barkada sa labas sa gilid ng kalye may hawak na bote ng beer, minsan sa grill pag may pera, minsan sa beer house pag madami pera.. di ko maintindihan pero dahan dahan kong iniintindi para matauhan ako. dahan dahan akong napamahal sa alak na kahit na alam ko namang walang maidudulot sa aking maganda.. siguro simula noong October 2009 hanggang ngayon. sa gabi gabi na dumadating ay anim na beses lang akong di nakainum ng alak, sa kadahilanang dahil merong simbang gabi noong december,.. pero sa boung buwan ng october at november ay lagi ako nag iinum gabi gabi,.. bakit? kasi pag ako hindi nakainum ay di ako makatulog,.. ibig sabihin naadik na ako sa alak, kung pwede nga lang pakasalan ko ang alak ay siguro pinakasalan ko na,! ito ang bisyo na gusto ko takasan pero di ko matakasan, gusto ko umiwas pero di maiwasan, .. Alam kong mali pero patuloy kong ginagawang tama ,...
Sana sa dumating ang araw maiwanan ko na ang bisyo na pagiging manginginom... pero di ko iiwananan ang bisyo na to hanggat nandyan pa ang mga taong gabi gabi kong kasama, mga taong di nang iwan sa ere, mga taong malalapitan... walang iwanan para walang maiwan...
No comments:
Post a Comment