Thursday, February 25, 2010

away dito ayaw doon.. sigawan dito sigawan dyan!.

away dito away doon... sigawan dito sigawan doon,.. agawan dito agawan doon.,,, away sa looban.. away sa labasan...

shit naman... ano bang buhay to?....



kagabi naaasar ako... ang dami nag aaway dahil lang sa pera ng mga walang kwentang pulitiko na yan.!.. gumawa ba naman ng pa concert sa araneta coliseum at nangako sa mga taong bayan na may libreng pagkain at 200 pesos na pera sa bawat taong nakalista sa kanilang listahan, upang makilahok sa kanilang walang kwentang programa!...

Bakit nag-aaway ang mga tao?... kasi di naibigay ng sakto ang ipinangakong pera na 200 pesos sa bawat tao>...< imbis na 200 ang ibigay ay 50 pesos lang ang naibigay at wala pang pagkain.!,, nakakaasar at nakakainis isipin dahil lang sa halagang yun ay magkakagulo, mag aaway, magsisigawan ang mga tao sa bawat kanto, sa bawat looban...

Kung tutuusin.... pwede naman silang hindi mangako na makakapagbigay sila ng ganung halaga sa bawat tao.. Dahil kung ang taong bayan mismo ang may gusto sa kanila di na nila kailangan pang suhulan o pangakuan ng kung ano ano, pero di naman matutupad. .. ganun lang ka simple yun.!

ang pangyayaring yun ay hindi ko masasabing nagkagulo sila dahil kailangan nila ng pera na yun.. Nagaaway sila dahil naloko sila,, nalinlang sila, nauto sila, parang minaliit ang pagkatao nila... lahat tayo may prinsipyo,.. ayaw natin na malinlang o malamangan tayo ng iba...

Para sa akin!, sa pangyayari na yun ay isang pagpapatunay na ang bansa na to, ay umiikot sa kasinungalingan,.. putang ina pinaglalaruan lang yata ang mamayan ng mga pulitiko na yan. kanya kanyang gimik para makumbinsi ang taong bayan, pero ang totoo tayo ay pinaglalaruan. ..

may mga slogan pang "Walang Kurap Walang mahirap" .. nangangako pang "Hindi ako Mangungurakot" :)... gagu! baka may hang over ka pa noong sinabi mo yan!.o di kaya nakatira ka ng rugby.. :) .. sana hindi maging batayan ang mga magulang para ilagay sa pwesto ang isang tao. . ... sana isipin naman natin kung ano ang kanyang kakayanan para mamuno ng bansang puno ng katarantaduhan, puno ng paghihirap,.. Mahirap isipin pero yun ang katotohanan...

May mga tanong din na napakalalim?.. "Nakaligo ka na ba sa Dagat ng basura?".. .. mukang napaka imposible naman nyan...!.. kahit pustahan tayo sa ngayon pumunta ka ng payatas o kung saan mang lugar na may dagat ng basura, tingnan mo kung meron naliligo sa dagat ng basura. .. i think wala naman eh. .. haha.. "Nagpasko ka na ba sa Gitna ng kalsada?.. oo dito naniniwala ako, kasi nagpasko na ako sa kalsada, nagpa umaga pa nga kami eh.. .. hahaha.... Ang laki na ng nagastos ng taong to sa advertisement nya, pero mababawi agad yung kung sakaling maluklok sya...

meroon ding nagyayabang na "Galing at Talino".. hahaha.. muka yatang nakakatakot to. mas magaling pa at matalino pa sa kasalukuyang nakaupo... oo ganyan naman talaga kayo magagaling mangurakot, matatalino magsalita,.. pero ang totoo wala naman kami mapapala.. mahirap na magpa dalos dalos.. baka tayo magsisi bandang huli.!.. hahaha
..

meroon ding.. Kung May "E**p may Ginhawa" ... baka kung may "E**p may Druga".. putang ina kasi noong panahon nya ang daming nag dra drugs sa lugar namin, ang daming jeuteng.. (ngayon meron parin).. haha.. matanda ka na para gumawa ng katarantaduhan sa bansang to pare !.. maka masa na nagpapaasa!



hay naku! buhay nga naman parang life!

No comments:

Post a Comment