Thursday, February 25, 2010

away dito ayaw doon.. sigawan dito sigawan dyan!.

away dito away doon... sigawan dito sigawan doon,.. agawan dito agawan doon.,,, away sa looban.. away sa labasan...

shit naman... ano bang buhay to?....



kagabi naaasar ako... ang dami nag aaway dahil lang sa pera ng mga walang kwentang pulitiko na yan.!.. gumawa ba naman ng pa concert sa araneta coliseum at nangako sa mga taong bayan na may libreng pagkain at 200 pesos na pera sa bawat taong nakalista sa kanilang listahan, upang makilahok sa kanilang walang kwentang programa!...

Bakit nag-aaway ang mga tao?... kasi di naibigay ng sakto ang ipinangakong pera na 200 pesos sa bawat tao>...< imbis na 200 ang ibigay ay 50 pesos lang ang naibigay at wala pang pagkain.!,, nakakaasar at nakakainis isipin dahil lang sa halagang yun ay magkakagulo, mag aaway, magsisigawan ang mga tao sa bawat kanto, sa bawat looban...

Kung tutuusin.... pwede naman silang hindi mangako na makakapagbigay sila ng ganung halaga sa bawat tao.. Dahil kung ang taong bayan mismo ang may gusto sa kanila di na nila kailangan pang suhulan o pangakuan ng kung ano ano, pero di naman matutupad. .. ganun lang ka simple yun.!

ang pangyayaring yun ay hindi ko masasabing nagkagulo sila dahil kailangan nila ng pera na yun.. Nagaaway sila dahil naloko sila,, nalinlang sila, nauto sila, parang minaliit ang pagkatao nila... lahat tayo may prinsipyo,.. ayaw natin na malinlang o malamangan tayo ng iba...

Para sa akin!, sa pangyayari na yun ay isang pagpapatunay na ang bansa na to, ay umiikot sa kasinungalingan,.. putang ina pinaglalaruan lang yata ang mamayan ng mga pulitiko na yan. kanya kanyang gimik para makumbinsi ang taong bayan, pero ang totoo tayo ay pinaglalaruan. ..

may mga slogan pang "Walang Kurap Walang mahirap" .. nangangako pang "Hindi ako Mangungurakot" :)... gagu! baka may hang over ka pa noong sinabi mo yan!.o di kaya nakatira ka ng rugby.. :) .. sana hindi maging batayan ang mga magulang para ilagay sa pwesto ang isang tao. . ... sana isipin naman natin kung ano ang kanyang kakayanan para mamuno ng bansang puno ng katarantaduhan, puno ng paghihirap,.. Mahirap isipin pero yun ang katotohanan...

May mga tanong din na napakalalim?.. "Nakaligo ka na ba sa Dagat ng basura?".. .. mukang napaka imposible naman nyan...!.. kahit pustahan tayo sa ngayon pumunta ka ng payatas o kung saan mang lugar na may dagat ng basura, tingnan mo kung meron naliligo sa dagat ng basura. .. i think wala naman eh. .. haha.. "Nagpasko ka na ba sa Gitna ng kalsada?.. oo dito naniniwala ako, kasi nagpasko na ako sa kalsada, nagpa umaga pa nga kami eh.. .. hahaha.... Ang laki na ng nagastos ng taong to sa advertisement nya, pero mababawi agad yung kung sakaling maluklok sya...

meroon ding nagyayabang na "Galing at Talino".. hahaha.. muka yatang nakakatakot to. mas magaling pa at matalino pa sa kasalukuyang nakaupo... oo ganyan naman talaga kayo magagaling mangurakot, matatalino magsalita,.. pero ang totoo wala naman kami mapapala.. mahirap na magpa dalos dalos.. baka tayo magsisi bandang huli.!.. hahaha
..

meroon ding.. Kung May "E**p may Ginhawa" ... baka kung may "E**p may Druga".. putang ina kasi noong panahon nya ang daming nag dra drugs sa lugar namin, ang daming jeuteng.. (ngayon meron parin).. haha.. matanda ka na para gumawa ng katarantaduhan sa bansang to pare !.. maka masa na nagpapaasa!



hay naku! buhay nga naman parang life!

Tuesday, February 23, 2010

Magandang bansa, Masamang Gobyerno! ..

hmmmm... hay naku wala na naman ako magawa!.. kaya kung ano ano nalang iniisip ko.,... kahit wala nang kwenta ,, sigi game.!... basta may magawa lang..



lets start...


maganda ang pilipinas pero pangit ang gobyerno!.. bakit ko nasabi na pangit ang gobyerno?... ewan ko.. itanong mo yan sa sarili mo>?.. pangit kasi dito sa bansang to lahat ng bawal pwede, gumagawa ng batas pero di sinusunod,. ang gobyerno sa bansang to ay walang iba iniisip kundi ang sarili nilang kapakanan, .... OO matatalino ang mga politicians sa bansang to pero mga sira ulo,..Matataas ang pinag aralan pero hindi asal tao asal demonyo.. .Lahat ng mga pulitiko sa bansang to mga gagu.,.. walang ibang iniisip kundi sarili nilang pang interes, di nila inisip ang kapakanan ng mga mga taong tamad na wala nang ginawa kundi umasa sa bulok na sistema...

Sa totoo lang hindi naman tao ang talagang nagpapahirap sa ating bansa, ang isang pinakamalaking dahilan ay ang gobyerno, OO, naniniwala ako na kasama din tayo doon, pero kahit ano gawin nila, para sa akin pulitiko parin ang sisihin ko.. kesyo daw madami tamad sa bansa natin kaya di tayo umuunlad, mahilig daw tayo umasa sa pulitiko kaya di tayo umuunlad... Pulitiko parin ang may mga kasalan. Bakit? sila lang naman ang nagpapatakbo ng bansa natin eh, sila lang ang may karapatan gumawa ng batas na walang silbi, sila lang ang may karapatan magpatupad ng mga kalokohan, sila lang ang may karapatan matulog sa malambot na kama habang ang iba ay natutulog sa kalsada,.. Ang sarap ng mga buhay ng mga pulitiko dito sa bansang to habang ang iba ay hirap makakain sa pang araw-araw.. diba dapat pag naglingkod ka sa bayan, karapatan mong paglingkuran ang mamamayan, hindi maghintay ng mga government project para makapangurakot ng pera.

Nakakalungkot isipin na halos lahat ng pulitiko sa bansa natin ay iisa lang ang plataporma ang makapangurakot ng pera. Bakit di nalang nila aminin na yun lang ang pakay nila kaya gusto nila maglingkod sa bayan este (magnakaw sa kaban ng bayan).

Good Luck sa mga tatakbong Pulitiko.!



Sana lahat kayo Matalo!

Sunday, February 21, 2010

UNFAIR!!!!!!!!!!!!!!!

zup!.. ito na naman ako... ang taong walang magawa... haha..


di ko alam paano magsisimula pero wala akong magagawa nasimulan ko na mag type eh.. .

anyway... the topic of the day is .. WALA....

Minsan iniisip ko kung bakit lahat ng tao dito sa mundo hindi pantay, hindi patas, hindi parehas, ...kaya minsan pag nakakakita ako ng mga batang kalye, taong walang makain, walang bahay, walang trabaho, walang pera, as is wala talaga.. ! Nalulungkot ako at naaawa sa kanila kasi sila ang mga taong nangangailangan. sila ang mga taong dapat tulungan. sila ang mga taong dapat bigyan ng pansin. Sila ang mga taong nagbibigay ng halaga sa buhay ko.! Bakit?.. kasi pag nakikita ko sila naiisip ko maswerte ako dahil nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw, nakakatulog ako ng maayos. eh sila?!. walang kasiguraduhan kung makakain sila o may matutulugan sila. Bakit ganito ang buhay sa mundo? bakit ganito ang tao? hindi ba pwede lahat patas?. lahat pantay?. kailangan ba talaga meron tayong iwanan sa baba para mapunta lang tayo sa pinakamataas.!. Lagi ko iniisip sana lahat ng tao parehas ng pamumuhay. lahat pantay, ! sana ganun.!


kaya pag nakakakita ako ng mga pulitiko na nangangako,.. naka drugs yata.!.. kung ano ano pinagsasabi... Ang mga taong bayan naman nagsisigawan,.. pero ang totoo tiyan nila ang sumisigaw.. hindi sila. >-_< ... umaasang may mapapala kapag naluklok ang taong kanilang sinusuportahan... pero wala pala sa bandang huli!.. tapos ang iba naman sinasamantala ang kasikatan para makapagnakaw sa kaban ng bayan. mga artista sumasabak sa pulitiko/pulitika... Bakit? syempre mas malaki kita sa pulitiko kaysa showbiz... mas masarap ang buhay naka upo lang sa naka aircon na kwarto... ang sarap ng buhay samantalang ang mga taong naglagay sa kanya sa kinauupuan nya... kinalimutan na.. iwanan na sa ere... tablahan na.@_@ .. para sa akin mga gagu ang mga taong yan. putang ina nila, ang sarap sarap na nga ng buhay nila pinag aawayan pa kung anong meron sila... pinag aagawan ang isang pwesto kahit sa totoo di naman sya karapat dapat...


Mga gagu na yata ang mga tao dito sa mundo.. mga sira ulo na yata ang mga tumatakbong pulitiko.. . kaya para sa akin, ANG BAYAN NI JUAN AY WALA NANG PAG-ASA!. ... oo, mayaman ang pilipinas, pero ang yaman ng bansang to ay umiikot lang sa mga pulitiko. umiikot lang sa mga taong magnanakaw. samantalang ang dami ng nagugutom, walang makain, walang matulugan...








PS: plastik ako, sinungaling ako,.. pero sa ibang tao!. hindi sa taong nakilala kung ano ako..


Salamat po . :[

Wednesday, February 3, 2010

gusto ko gawin pero di ko magawa.!

may mga bagay talaga na gusto nating iwanan pero di natin magawa. kagaya nalang ng bisyo na mahirap mawala sa ating mga pilipino. para kasing di kumpleto ang social life mo kung wala kang bisyo.,

mas malupit pa nga ang bisyo kesa sa pag-ibig, kasi pag naghiwalay kayo ng gf/bf mo madali lang mag move-on, madali lang makalimot at makahanap ng panibago.

pero pustahan tayo pag sa bisyo ka naman napaibig ewan ko lang kung di ka tuluyang mapamahal, kahit anong paraan gagawin mo para may pang bisyo ka lang. kahit iwanan mo ang bisyo, pag binalikan mo nandyan parin yan, hindi kagaya ng sira ulo mong gf/bf kung kelan gusto mo ayusin lahat, makikita mo nalang may kalandian nang iba.

Bisyo na di ko maiwanan, bisyo na napamahal ako ng mga ilang buwan kaya ngayon di ko na maiwanan, ANG PAGIGING "LASENGGERO" . dati pag nakakakita ako ng nag iinum sa kalye lagi ko sinasabi di ako gagaya sa mga yan. mga lasenggerong walang bait sa sarili, pero sa kalagayan ko ngayon naiintindihan ko kung bakit ganun.! Minsan pag umaga pagkagising ko naiisip ko nalang na talagang napakagago ko. lagi ko sinasabi di na ako iinum pero pagdating ng gabi kasama ng mga barkada sa labas sa gilid ng kalye may hawak na bote ng beer, minsan sa grill pag may pera, minsan sa beer house pag madami pera.. di ko maintindihan pero dahan dahan kong iniintindi para matauhan ako. dahan dahan akong napamahal sa alak na kahit na alam ko namang walang maidudulot sa aking maganda.. siguro simula noong October 2009 hanggang ngayon. sa gabi gabi na dumadating ay anim na beses lang akong di nakainum ng alak, sa kadahilanang dahil merong simbang gabi noong december,.. pero sa boung buwan ng october at november ay lagi ako nag iinum gabi gabi,.. bakit? kasi pag ako hindi nakainum ay di ako makatulog,.. ibig sabihin naadik na ako sa alak, kung pwede nga lang pakasalan ko ang alak ay siguro pinakasalan ko na,! ito ang bisyo na gusto ko takasan pero di ko matakasan, gusto ko umiwas pero di maiwasan, .. Alam kong mali pero patuloy kong ginagawang tama ,...
Sana sa dumating ang araw maiwanan ko na ang bisyo na pagiging manginginom... pero di ko iiwananan ang bisyo na to hanggat nandyan pa ang mga taong gabi gabi kong kasama, mga taong di nang iwan sa ere, mga taong malalapitan... walang iwanan para walang maiwan...