Sunday, March 21, 2010

kung ikaw yan?... sino naman ako?..

.. ang hirap mag isip pero madali magsabi . mahirap maghusga dahil pwede ka makasakit. mahirap maging perpekto baka madami magalit. mahirap maging mayabang baka madami mainggit. mahirap maging tao dahil hindi lahat ng tao totoong tao.


ang hirap ma gets ng pinagsasabi ko diba?... pero yung ang katotohan kaya di mo na kailangan maghanap ng dahilan.,..





ang tao di mo makikila basta basta lang. dahil lahat ng tao kahit iisa ang buhay, may kanya kanya tayong pamumuhay, at may kanya kanya tayong palpak na pag iisip. hindi porket best friend mo yan di ka gagawan ng masama?.. dahil hindi lahat ng best friend palaging best yan. kailangan nya rin maging masama para mapabuti ka... ohhhhh diba?.. may ganung effect pa.... di mo gets noh..?...

Madami na akong taong nakilala mula sa kamag-anak, kapitbahay, kaibigan, kainuman, kalokohan, kasakayan, ... basta madami na.. siguro lagpas na isang daan.!... pero sa lahat ng tao na nakilala ko na yun. ang masasabi ko lang. lahat sila iba iba ang buhay,pamumuhay,ugali,pag-iisip,pananaw,pinag-aralan,kagustuhan,..... di ko sila masisisi dahil hindi rin nila ako masisisi. basta ang masasabi ko lang sa mga taong yun ay salamat... kundi dahil sa inyo, di ako matuto mag inum at manigarilyo. ... ^_^ ...

Ngayon ko naisip na, hindi lahat ng gusto mo matutunan mo sa eskwelahan. Bakit?.. sa loob ng isang taon na aking pag aaral, at sa loob din ng isang taon na aking pagtambay. mas madami pa akong natutunan ngayon sa aking pagtatambay kaysa sa aking pag aaral noong nakaraan. .. Pero na realize ko bigla... mali pala talaga ako. ... kahit ipagpilitan kong tama ako, sinasabi naman ng puso ko na mali ako.... minsan gusto ko magmura sa harap ng salamin.. pero binabawi ko, dahil sarili ko nakikita ko. ... mahirap tanggapin ang pagkakamali pero mas mahirap tanggapin na ang tingin sayo ng ibang tao ay sira ulo ka...>!..<.. diba?....


PS: time na ako, nasa computer shop ako ngayon, dagdagan ko nalang pag nakapag online ulit...

Friday, March 19, 2010

Nakakatawang Year Book!.. .bwahahahaha


HAHAHAHAHA ----> Dahil wala akong magawa sa araw na to, sinubukan kong maging masaya sa pamamagitan ng pag review sa aking High School Year Book "The Sentinel".


First, sa cover palang ng libro natatawa na ako, kasi di mo mahahalata na year book sya ng school, akala ko nga dati pamaypay ang binigay sa akin yun pala! yun na ang Year Book ng batch namin. at di ko din na expect na ganun kanipis ang magiging year book ng batch namin.



Ito na nagtupi na ako sa first page, mga Honor Graduates agad makikita mo, pero ang kinaaasar ko ay ang nakalagay sa may kaliwa, sa may likod ng front cover ng year book. ngayon lang ako nakakita ng year book na ganito ... Badtrips!... pinagkasya ba naman sa isang page ang message ng Dep-Ed Secretary, School Division Superintendent at School Principal.... ang sagwa tingnan..! amp. XD:


Nasa second page na ako, dito na nag-umpisa ang kaligayahan ko. sa isang page ng Long Bond Paper pinagkasya lahat ang isang section kasama na ang adviser. Natatawa talaga ako kasi back to back pages ang paggawa, halatang tinipid. Patuloy lang ako sa pagtupi ng year book (sabay tawa hahahaha).. Sabay sabi ko sa sarili ko wala talaga akong masabing maganda sa year book na to. Hindi na nga colored ang paggawa, ang pangit pa ng print out. parang pinag tripan lang yata kami ng gumawa nito o may hang over lang sya habang nag i edit ng mga pages. at ang pinakapalpak pa sa lahat ay napakarami ng typo error sa mga pangalan ng Graduating Candidates....Bigla ko tuloy naisip ikumpara sa dyaryo ang year book na to.. Buti pa nga ang Dyaryo ng "LIBRE" (yung sa "MRT") ay colored at maganda ang pagkagawa, pero ang year book na to nagbayad kami, pero hindi sulit eh.......... Kinurakot po ba?????......HAHAHAHAHA XD: .


Naisip ko kasi masyadong tinipid ang mga material na ginamit, sa ink palang sobrang tipid na... tsaka yung cover ng year book.. di mahalata na year book sya.. ang sagwa...




PS: okey lang kahit ganun ang year book .. nakakatuwa naman... kahit papano naging masaya ako, ... hahahahahaha

Tuesday, March 2, 2010

"MRT sa Pinas" [badtrip]

nakakaasar, nakakairita...!







hay naku!,,.. minsan lang ako mag MRT pero napakamalas ko talaga, pag sumasakay ako ng mrt.. bwisit!.. . sumakay ako ng MRT from Cubao Station to Taft Ave. Station 3pm., medyo ok pa. di pa patayin sa loob.. masarap pa ang buhay sa loob, di pa iba iba ang amoy.. masarap pa ang pagkaka upo ko.. pagdating ng shaw station madami sumakay, ayun tumayo ako para makaupo naman si miss beautiful.. *wink*.. pagkatayo ko.! parang hinihila pa ako ng upuan, pagkahipo ko sa pants ko putang ina napamura ako.. may "Bubble Gum".. Anak ng tinapay... ! .. sabi ko nalang sa sarili ko. mga pilipino nga naman .. "Walang Disiplina".. pero napaisip ako bigla, parang sinampal ko sarili ko gamit ang sariling kamay... .. binawi ko ang sinabi ko.. parang sinabi ko nalang sa sarili ko . joke lang yun!>.< hehe.. ito na nakarating na ako ng taft Avenue" .. ok na papunta na ako sa pupuntahan ko.. .. ..





Walang maayos na pila o walang disiplina?


Gabi na..! pauwi na ako sa amin mga 6pm.!. nag isip ako mag mrt ba ako o mag bus?. naguguluhan ako ,... abang muna ako bus.. mukang traffic yata ah,.. mag mrt nalang ako.. papunta na ako mrt Taft station pagkaakyat ko..shit ang haba ng magulong pila.!,, after 10minutes.. hay naku.. salamat nakabili na din ng ticket... papunta na ako ng train ... WOW... ang daming tao, parang may fans day ni sharon cuneta... siksikan, unahan para makapasok ng train. .. nasa loob na ako ng train.. nagulat ako bat may babae?.. sa pwesto namin, eh hiwalay naman pwesto ng mga babae sa lalake.!... paalis na ang train...waaaaaaaah.. tumabi sa akin yung babae... eh nakatayo lang ako . !.. pagdating ng buendia station ang daming sumakay.. tang ina siksikan na.. halos magpalipan na ng balat ang mga tao.. naki join na din ako sa trip ng mrt at mga tao.. pero di ako naki join sa katabi ko na babae.... putik.. dinidikit ni ate yung boobs nya sa siko ko.. waaaaaaaaaah... gusto ko umiwas pero di ko maiwasan.. siksikan na eh, wala na space para umiwas ako..pinabayaan ko nalang yung babae i kiskis nya sa siko ko ang boobs nya.. sigi.. ok lang nandyan na yan eh... . "Ortigas Station". sabi ng nagsasalita sa MRT...! gusto ko na bumaba.. nakakagagu na yung babae.. mukang nasasarapan na sa kaka kiskis ng boobs nya sa siko ko.. nakakaasar.. gusto ko na sana bumaba pero bigla na nagsara ang pinto ng mrt.. pagdating ng Santolan Station bumaba nalang ako.. di ko matiis eh.. nakakahiya... ! pagbaba ko ng Santolan Station tang ina...!.. halos itulak ako ng mga tao para makalabas... hirap dumaan sobra,,, .. nakalabas na ako ng mrt .. naglalakad na ako habang napaisip ulit na .. mga pinoy nga naman "Walang Disiplina" binawi ko yung joke ko kanina... .. pero sa kabila ng ganun na pangyayari nakauwi naman ako ng maayos at matiwasay.>!<



tanong ko nalang ngayon kailan kaya magiging maayos ang pamamalakad ng MRT station>? mga tao ba ang may kasalanan o ang pamunuan ng MRT?..