Friday, June 10, 2011

Teka lang!! Buhay pa ang blog ko.

10 years akong nag isip, 8 months akong nag type sa keyboard, tapos mawawala lang dahil sa tsimis na nagtaas na ang bill ng kuryente namin. Di ako papayag, di ako susuko.

Ito na.....


Hetoooooooooooooooo naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Hindi ako ganun katalino na tao para gumawa ng English na blog. Di ako kasing talino ng kumpare ko na si Jose Rizal para gumawa ng isang napakahusay at napakalabong Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Hanggang ngayon di ko parin maintindihan ang dalawang libro ni Rizal. Nakilala ko lang ang mga tauhan kagaya nila Ibarra, Maria Clara, Sisa, Crispin, Basilio, Padre Damaso, Kapitan Tiyago, at marami pang iba. Nakilala ko rin sila Lito Lapid, Robin Padilla, Rosanna Roces, Aubrey Miles, Bong Revilla, at iba pa. Awts! Mali di na pala sila kasali sa Cast ng libro ni Pareng Jose. Mga kilalang Action Star at Bida pala sila ng ilang malalaswang pelikula sa takelya.haha. Pwede naman siguro humingi ng Pasensya :)=

Iisa lang ang starting at ending ng pelikulang pilipino May magka loveteam na magkakakilala tapos may bed scene na mangyayari tapos gyera patay ang kotrabida. Ayun! tapos na ang pelikula. Sayang lang ang binayad mo na pera. Di na ako na e excite sa pelikulang pilipino pero dahil paborito ko ang manood ng tagalog movie pinagbibigyan ko parin kahit ayaw na ng panlasa ko.(nakakaumay) LOL :)=

Kapag nakakakita ng artista ang mga tao sa mall nagsisigawan agad sa sobrang kilig. Tumitili na akala mo wala ng bukas. Pero pag pulitiko naman ang nakikita sumisigaw ang tiyan na walang laman at papakinggan ang isang napakalupit na pangako.

Di ko kayo ma gets kaya di nyo ko maintindihan, magulo ang isip ko nakakalito ang utak ko. Minsan kasi kailangan natin intindihin ang isang bagay kahit di natin maintindihan. Di ako naniniwala na meron matalinong tao lahat tayo may kahinaan. Lahat ng tao di pareho, hindi pantay kaya nga may tinatawag na maliit at malaki. Mahaba at maikli. Mahirap at mayaman. Pangit at Maganda. Ilan lamang yan sa mga pangit nating ugali. haha mahilig tayong mag kumpara sa iba. Mahilig tayong ikumpara ang sarili natin sa ibang tao. Syempre, kapag sarili mo mismo ang ikukumpara mo mas nakakaangat ka. Pero kapag ibang tao ang maghusga Pasensya ka na!! Nangangarap ka lang ng gising. haha.

Bat ba ganun ang tao? Minsan di natin maintindihan, minsan naman kailangan natin intindihin. Tao ba talaga ang tawag dun o nag tatau taohan lang.

Bwahahahhaha.


Wala na akong masabi, wala na akong maisip. Ang importante sa akin ngayon nakapag input ako ng blog this month kahit di nyo maintindihan.


Thanks !! :) Cheers!

Friday, March 18, 2011

Metro Manila magpalit kana ng Damit. Ang baho mo na.





Sa sobrang tagal ko na dito sa Metro Manila, hindi na imposible kung mailalarawan ko ito ng napakabilis at napaka simple. Madami na akong lugar na napuntahan sa Metro Manila lalong lalo na ang tunay na Mukha at imahe ng Metro Manila, ang SQUATTERs AREA. Napakasimple at napakasalimuot ng pamumuhay pero masaya. Maraming bata ang walang short, damit, tsinelas na naglalaro sa kalsada at kung mamalasin ka pa kokotongan ka pa nila. Ang mga batang nakakaawa dahil dapat nasa paaralan sila pero bakit nasa lansangan sila? Bakit dun sa may labas ng simbahan may otso anyos na babae na naglalako ng Sampaguita para kumita at para maipang sugal lang ng nanay nya [kapal ng muka]. At kung mapalingon ka pa sa kanan may makikita kang mga babae na napakahaba ng pila akala mo may concert ni Sharon Cuneta at Fans Day ni Anabell Rama, yun pala pila ng kababaehan na nagtatangal ng kuto nila. kapag lumingon ka naman sa kaliwa may grupo ng mga babaeng tsismosa na kung makapag kwento akala mo sila na ang the best na broacaster sa media. Talo pa nga nila si Ted Failon, Korena Sanchez, at Noli De Castro kung makapagkalat ng balita, dahil di pa nangyayari ang balita alam na alam ng mga tsimosa ang balita. Kapag pumasok ka pa ng iskinita dun mo makikita yung mga akala mo anak ng mayayaman na kung mag inuman akala mo napakadami ng pera. Yan ang mga tambay sa squatters area. mukang mababait pero pagdating ng gabi sila ang nanghahablot ng cellphone, nang i snatch sa daan, nanunutok ng patalim, nagtutulak ng druga, nang re rape, nangsasaksak, nandudukot at madami pang krimen para lang kumita ng pera. Pero bilib ako sa mga taong to dahil pinaghirapan talaga nila hindi kagaya ng mga pulitiko napakadali lang magnakaw ng pera.

Metro Manila! Metro Manila! Metro Manila! Mausok ang kalsada at ang mga tsuper ay walang disiplina. Masarap sumakay ng jeep lalo na kapag dumadaan sa pangunahing kalsada, talagang mararamdaman mo ang sarap ng biyahe at malalasap mo ang pulosyon sa kalsada. Jeep ang pangunahing transportasyon kahit san ka magpunta kaya kung di ka pa nakaranas na sumakay ng jeep, umalis kana dito sa metro manila at wag mo nang basahin ang blog na to dahil sure akong di ka matutuwa sa sasabihin ko. [tanginamo] . ^_^.

Masarap kumain ng mga street foods sa kalye kahit alam mong ito ay madumi at hindi nakakabuti sa ating kalusugan. Masarap kumain ng kwekkwek pero di mo alam kung ilang araw nang naka stock ang egg. Masarap kumain ng kalamares pero di mo alam kung dinuraan yun bago lutuin at di mo alam na meron palang galis sa kamay ang naglamas nun habang hinahalo sa arina. Masarap rin ang sauce nila pero di mo alam na may uhog pala ng anak ng nagtitinda ang sauce na yun habang ginagawa. Masarap kumain ng fishball pero di mo alam na yung mga stick na pinangtutusok mo dun ay paulit-ulit na inapakan at dinuraan habang nasa pagawaaan. Pero mas masarap kung sumuka ka at kainin mo rin yung isinuka mo. ^_^


Ang sarap sa pakiramdam na tumira sa Metro Manila pero masakit lang sa bulsa. Magastos, Maluho, Mabisyo, at higit sa lahat. NAKAKATAKOT! Sa sobrang dami nagkalat na sira ulo dito sa Metro Manila walang makapasok na terorista pero kung meron man di sila magtatagal dito sa atin. Malamang maubusan sila dito ng pera sa dami ng mga mandurukot at snatcher dito baka maubos ang gamit nila. Hindi nila mapapasabog ang mga eroplano dahil palaging delay ang flight, mainip sila sa kahihintay. At kung mapasabog man nila ang mga building ng ating gobyerno hindi nakakatakot, dahil sigurado akong konte lang ang patay dahil ang iba hindi naman pumapasok lalo na yung mga government officials. haha. At kung gusto ng terorista maghari harian sa kalsada di rin nila magagawa yun dahil kokotongan sila ng ating mga Pulis at MMDA. ubos pera nila. :D haha. at kung gusto nilang bumalik na sa pinanggalingan nila di rin sila agad makakaalis dahil napakabagal ng usad sa gobyerno kapag mag ayos ng papeles. haha. Malamang mamatay muna sila bago makaalis.. Yan ang mga dahilan kung bakit walang terorista na nagtatangka sa ating bansa.

Nakakaawa isipin na hubad ang metro manila at walang maayos na damit. Mabuti pa nga ang mga government officials nakakabili ng mamahaling kasuotan pero ang bayang kanilang pinaglilingkuran hindi parin nagbibihis ilang taon na ang nagdaan. Nakakatawa na ang mga anak ng mga pulitiko sa ibang bansa nag-aaral pero ang Metro Manila walang pinag-aralan hanggang ngayon elementary parin. Ang bahay ng mga pulitiko hindi nilulubog ng baha pero ang Metro Manila paulit-ulit nalang ang baha.

Ngayon ko lang nalaman kaya binoto ka ng bayan. Siguro dahil maganda ang ngiti mo at kumikinang ang mata mo at nakakasilaw ang iyong kasuotan. Oo matalino ka pero ang tanong. May PUSO ka ba? Di ko maramdaman na may meron tayong mga politician nararamdaman ko lang ito pag malapit na ang halalan. Di ko rin maramdaman kung saan napunta yung buwis sa binili kong Redhorse noong nakaraan. Kung wala kayong pakiramdam pwede kayong sumunod sa bayani na si Rizal at magsabi ng Huling Paalam.

Kung buhay pa ang ating bayaning si Andress Bonifacio at si Jose Rizal malamang hindi bala ng baril ang kanilang ikakamatay ngayon kundi problema ng bayan.

Monday, February 28, 2011

Wag ka KUKURAP!

May isang matanda na nagtanong, Bakit daw di na ako gumawa ng Blog? sabi ko, Pasensya na po lola naging busy ako nitong mga nakaraang araw at medyo wala ako gana mag blog.

Anyway, ito na to eh. nag start na ako ede tatapusin ko na.


Sino IDOL mo? Pulitikong Kurap o Mahihirap?



Ako? Idol ko ang mga pulitikong kurap kesa sa mahihirap kasi matataas pinag-aralan nila yun nga lang makakapal talaga ang mukha. haha. Ang mga pulitiko ay sikat samantala ang mahihirap araw ang sumisikat dahil sa walang matuluyang bahay, nasa arawan ang hanap-buhay. Di ko masisisi ang mga pulitiko pero sila ang dapat sisihin dahil puro nalang sila porma at gawa ng gawa ng plataporma para sabihin sila ang bida pero ang katotohanan nagpapalaki lang sila ng tiyan parang salbabida.

OO, Aaminin ko. Matatalino ang mga pulitiko dito sa bansang to pero hindi nila ginagamit ang kanilang talino dahil silaw sila sa kapangyarihan at salapi ng bayan. Meron nga iilang matino pero dahil sa impluwensya ng isang kaibigang kurap nahawa nalang at nakipagsabayan sa pagnanakaw ng kaban ng bayan. Mahirap magsalita dahil di naman natin nakikita pero mas may katotohanan kung nararamdaman natin.

Matagal na akong nag-iikot at namamasyal sa mga internet forum kahit sa mga international forum nakikibasa ako kahit di ako nakakaintindi ng english. haha. Marami akong nabasa na mga negative comment sa bansa natin. Kagaya ng sabi ng isang foreigner sa isang forum na ang mga pulitiko daw sa Philippines ay KURAP:D= sabi ko naman. "ARE YOU SURE?" madami nag-reply sa tanong ko. Pero iisa lang ang sagot ng lahat. isang malaking YES! . Di ko na tinanong kung bakit dahil alam ko naman. hahaha.



Sigi hanggang dito nalang muna. Madami pa akong gagawin sa ngayon.

Monday, January 24, 2011

Ang mga Tunay na Artista sa likod ng Pelikula. hahaha

Medyo matagal din akong di nakapag POST ng Blog. Sa dami ng problema na dinaanan ko kailangan ko pang lumangoy sa napakalawak na bundok, at Umakyat sa napakataas na dagat para lang malampasan yun, para akong hinahabol ng isang libong langgam habang tinatahak ko yung daan papuntang SOLUSYON..



"Tama na ang drama, balik na sa kwela iwanan na ang problema harapin ang umaga" Yan ang sabi ng naglalako ng taho sa Cubao. OO, naniwala ako sa sinabi nya kasi kung di ako maniniwala, wala nang ibang maniniwala sa kanya. Diba!? Bilib na bilib ako kay manong dahil sa bigat ng dala-dala nyang Taho nagagawa nya pang tumawa at magbiro. Kahit tumutulo ang pawis nya sa Taho nya, tuloy parin ang lakad nya. OO, nga naman ang pawis ng isang magtataho ay masustansya. Bakit? Dahil pinagpawisan nya yan kaya dapat Proud ka na ang Kinakain mong taho sa umaga ay pinaghirapan at pinagpawisan ni manong yan para makakain ka.




"If you born poor, it's not your mistake. But if you die Poor it's your Mistake". Yan naman ang sabi sa akin ng nanglilimos na PULUBI sa Recto,. Biglang napaisip na naman ako, dahil tinamaan ako sa sinabi nya. Mahina lang boses nya nang sinabi nya yan pero napakalakas ng Sound Effect at Emotional Effect para sa akin. Napa WOW na naman ako sa sinabi ng PULUBI, dahil kahit pulubi sya pinipilit nya parin kumita nang pera (manglimos) para lang mabuhay sya. Yun ang paraan nya para kumita ng pera at least pinaghirapan nya kahit mabasa sya ng ulan at magpatuyo sa araw at mausukan ng sasakyan., hindi kagaya ng iba naghihintay lang ng pinaghirapan ng iba nang walang kahirap hirap. Nakaupo lang na parang mga hayop sa Zoo na naghihintay lang na pakainin ng AMO. Bakit ganun? may mga taong di makaintindi sa pinaghihirapan ng iba, sana ma appreciate naman nila. (Bato-Bato sa langit ang matamaan PANGIT). hahaha




"Kung Gusto Mong Mabuhay, Kailangan mong Maghanap-Buhay". Yan naman ang sabi ng CONSTRUCTION WORKER na naghahalo ng semento sa EDSA. Napapabilib talaga ako sa mga taong to, kahit hirap na hirap, ngalay na ngalay, kayod parin ng kayod makakain lang at Makapag INUMAN pagkatapos ng trabaho. hahahaha. Yan ang mga taong tunay na nag tratrabaho, Yan ang mga taong tunay na nagbabanat ng Buto. Ito dapat ang maging idolo ng tao. Hindi yung mga nakaupo lang na Pulitiko sa naka aircon na kwarto at mga Artistang nakaharap lagi sa Camera. hahaha..




Madami pa sana ako gusto idagdag kaso mas madami pa akong ibang gagawin kesa sa mga idadagdag. hahaha

Sunday, November 28, 2010

Kawawang kabataan sila ay napabayaan.



Hindi ako naniniwalang may pag-asa ang ating bayan hanggat madami akong nakikitang kabataan na kagaya dyan sa larawan. Laging tanong sa akin isipan, Bakit sila napabayaan? Siguro dahil sa kapabayaan ng magulang at ng ating lipunan. Mga magulang, na anak lang ng anak kahit wala naman maipakain. walang mga konsensyang mga magulang, walang inisip kundi pasarap pero ang mga bata naman ang maghihirap (Bato bato sa langit tamaan wag magalit) . Ayaw ko sisihin ang Gobyerno sa ganitong aspeto dahil hindi naman ito ginusto ng ating gobyerno, Walang ibang dapat sisihin kundi ang taong gumagawa nito. Matutuwa ako sa gobyerno kapag gumawa sila ng batas na IKULONG ang mga magulang na hindi kayang buhayin ang mga anak. Masyado kasing abuso tayong mga pilipino kaya lalo tayong naghihirap. Puro kayo pasarap hindi nyo naman iniisip kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Maraming nagsasabi, OO magbabago na kami pero ang katotohanan wala naman mangyayari.




Tingnan mong mabuti ang larawan. Isipin mo, Mag-isip ka. Tingnan mo sarili mo. Ikumpara mo kung anong meroon ka na wala sila. Para sa akin mas bilib ako sa mga batang yan kesa sa taong nagbabasa ngayon nito. Yan ang mga batang IDOLO ko, yan ang mga batang hindi sigurado kung makakain ngayon,mamamaya,bukas, o sa susunod pa na araw. yan ang mga batang walang maayos na tinutulugan sa gabi at walang maayos na damit araw-araw. Yan ang mga bata na kadalasan mo makita kahit saan ka man kalye sa Metro Manila. Minsan naiisip ko, mabuti pa ang aso na nagkalat lang sa kalye hinuhuli at dinadala sa Rescue Center o saan man lugar na safe sya. Pero ang mga batang ito na nagkalat sa kalye, bakit pinabayaan nalang? Minsan may mga bata na dinadala sa DSWD pero may mga batang kalye akong nakausap sabi sa akin ng bata, parang hayop daw ang turing sa kanila doon kaya ayaw nila doon kaya tumatakas sila, Sobra-sobra naman yata ang disiplina na binibigay nila, dapat sa mga ganitong bata ay binibigyan ng tamang pag aaruga at pagmamahal dahil yun ang inaasam nila sa buhay nila. Ang mga batang yan ay naghahangad ng pagmamahal upang mabuo ang kanilang pangarap. Wag naman sana natin sila pabayaan, dahil para sa akin sila ang pag-asa ng bayan.

Kapag walang tao o Gobyerno na tumulong sa mga batang yan tayo din ang magiging kawawa at nakakatawa. Minsan inisip ko sa sampung ganyang bata ilan kaya dyan ang aangat ang buhay sa hinaharap? ilan kaya dyan ang manganganak na katulad din sa naranasan nya ang dadanasin na buhay. Ilan kaya sa mga batang dyan ang magiging future criminal sa ating bansa. Ilan kaya dyan ang magiging Most Wanted sa hinaharap?

NOTE: SA NGA PULITIKO NA MALAKI NA ANG KURAKOT, AMPUNIN NYO NA LAHAT NG BATANG KALYE. ^_^

Thursday, September 30, 2010

Humayo kayo at Magparami!




Ayaw ko sana makialam sa usaping Simbahan at sa gobyerno pero gusto ko makialam wala kayong magagawa.



Nakakasar isipin na ang Simbahan natin ay nakikialam sa mga balak ng gobyerno tungkol sa batas. Naiirita ako kasi di naman tungkulin ng simbahan ang pakiaalaman kung ano ang balak ng gobyerno. Ang tungkulin nila ay gabayan ang mamayan gamit ang salita ng dyos hindi ang pakialaman kung anong makakabuti sa atin. Siguro hindi maintindihan ng ating mga Pare ang batas na Reproductive Health Bill kasi wala silang asawa at wala silang anak na binubuhay. Pero para sa akin, masakit isipin na napakadami ng batang natutulog sa lansangan, madaming bata ang nagugutom, madaming bata ang walang tirahan at walang suot na maayos na pananamit. Siguro di maintindihan ng mga PARE yun kasi di nila makita o maramdaman ang pinagdadaanan ng ating kabataan. Kapag itoy ating pabayaan baka sila ay tuluyang dumami at mapabayaan ng lipunan. Kung ayaw ng simbahan ang Family Planning kaya ba nilang ampunin ang mga batang lansangan? kaya ba nila itong pag-aralin at bigyan ng magandang buhay balang araw? kaya ba nila itong patulugin sa maayos na higaan? Hindi naman diba. Kasi ang ibang mga Pare hindi dyos ang sinasamba nyan kundi ang Limos ng Simbahan. [No Offense kasi di ko naman nilalahat]

Kapag patuloy na pinipigilan ng simbahan ang Reproductive Health Bill baka mas lumalala ang sakit ng ating lipunan. Mas madaming Fetus ang ating mababalitaan na tinapon sa basurahan. Mas madaming tao ang lalong mahihirapan kasi lalong dadami ang kanilang mga anak. Mas madaming mga bata ang sumasakay sa jeep na may dalang sobre at nanghihingi ng pera pambili ng makakain. Mas madami ang mga batang nanglilimos sa daanan papunta ng MRT sa Metro Manila. Mas dadami ang mga kabataan na walang pinag-aralan tapos paglaki nila sila magiging magnanakaw sa ating lipunan. Sana wag naman ganun. Gusto ko maiba naman ang takbo sa susunod na henerasyon.

Hindi ang relihiyon ko ang aking kinakalaban dito kundi ang mga pare na pumipigil sa mga balak ng ating gobyerno.

Wednesday, September 29, 2010

Bad Trip!



Wala akong magagawa kong may mga bagay sa mundo na di ko kayang tangapin.

Maraming bagay sa mundo ang nakakainis, nakakaasar, nakaka badtrip. Naaasar ako pag may mag syota na naghahalikan sa harap ko. Di ako naiinggit. Di ako nagagalit. Naasiwa lang ako kasi parang piling ko di na ako nire respito ng mga taong to o sila lang ang walang mga respito sa pagkatao nila. Minsan naisip ko, siguro ito ang paraan nila para ipakita sa mga tao na nagmamahalan sila ng tunay. LOL :))=

Naaasar ako sa Jeepney Driver na kahit punong puno na ang Jeep magtatawag parin ng pasahero para sumakay. Trip yata ni manong isakay ang boung barangay. Siguro walang pakialam si manong sa mga pasahero kahit magsiksikan sa loob ng jeep. Tapos sasabayan pa ng napakalakas na tugtog kahit di na nya marinig ang sumisigaw na pasahero ng "Manong sa Tabi lang po. PARA!" Ang gawain ko kapag siksikan na ang jeep ay Hindi ako magbabayad. Bakit? lugi naman ako, pag nagbayad ako. Ako na nga itong hirap na hirap huminga at halos mamatay na sa init tapos pagbabayarin pa ako. Ano sya HELLO!:)= . Pero isang beses ko palang ginawa yan. hehe.

Naiirita ako sa kaibigan ko na kung makapagkwento akala mo totoo. Naasar ako kapag may nag-iimbita sa aking ng Birthday Party pero pagdating pala sa Venue, Walanghiya. NETWORKING pala ang pupuntahan namin. Naasar ako kasi yung mga taong ganun ay natuto mang uto ng kapwa para lang kumita ng pera.

Naasar ako kapag nauubusan ako ng kanin sa bahay kahit ako naman ang nagsaing. Naasar ako kapag naglalaro ako ng Plants VS Zombie tapos biglang nag brown out. [Badtrip na MERALCO] ang mahal ng bill ang pangit ng serbisyo. wahaha. PEACE!
Naasar ako sa mga magagaling manghiram ng gamit pero hindi marunong magsuli [Baka may AMNESIA na o may memory gap lang talaga] Badtrip ako sa mga nag te text ng naka Caps Lock tapos hindi pa magpapakilala. [baka akala nya pinamanahan ako ni madam auring para manghula] LOL:)= Badtrip ako kapag naghahanap ng gamit pero ayaw magpakita pero kapag di ko hinahanap lagi ko nakikita.

Badtrip ako sa mga taong mahilig mag tag sa Facebook kahit wala naman ako pakialam o kinalaman sa bagay na yun. Badtrip ako sa ubo na ang tagal gumaling. Badtrip ako sa napakayabang uminom ng alak pero sya pala una malalasing tapos sya pa ang magpapahatid. [kapal ng muka].

Badtrip ako sa mga babaeng maganda pero masama ang ugali. Badtrip ako sa instructor ko na ginagawang Lunch Time ang oras namin. Badtrip ako sa mga taong mahilig mag GM ng text kahit di naman para sa akin. Badtrip ako sa PC na mabagal. Badtrip ako sa internet na mabagal lalo na sa laboratory eskwelahan namin.


BADTRIP AKO KAPAG BADTRIP DIN KAYO SA AKIN!

Monday, September 27, 2010

Sila ang dapat "SiSiHin!



Minsan na nga lang ako maligo, nabasa pa ng tubig ang ulo ko. May naglalaro na naman tuloy sa utak ko.




Ngayon ko lang napansin at natutunan ng aking utak na lahat talaga tayong mga pilipino mahilig manisi. Babalikan ko lang yung tungkol sa nangyaring Hostage drama noong August. Bakit kung sino sino at ano ano na ang mga sinisisi? Sinisi nila ang mga Pulis dahil daw walang training. Sinisi nila ang SWAT kasi palpak ang pag assault nila. Sinisi nila ang Media dahil nakikita ng suspect lahat ng hakbang ng mga bobong pulis. Sinisi nila ang kapatid ng suspect dahil ayaw magpa-imbita sa presinto baka may Kainan o Birthday yata ni HEPE, masyado kasing choosy...hehehe. Sinisisi nila ang mga chismosa kasi daw masyadong maingay pati tuloy mga pulis nakipag chismisan na kung ano ang Tumama sa jueteng noong nakaraan. Sinisisi nila ang Driver ng BUS kasi daw Bakit niya pinasakay si Mendoza eh hindi naman ito Taga HONGKONG.? Sinisisi nila ang malacanang kasi wala daw pakialam sa Hostage Drama. Sinisi nila si PUNO kasi daw walang binigay na hakbang. Sinisi nila si Mayor Lim kasi palpak daw ang pag-utos nya sa mga pulis. Sinisi nila ang Negotiator kasi daw hindi niya nakasundo si Mendoza. Sinisi Nila ang Jolibee, kasi daw lalong lumakas si Mendoza kasi nakakain sya ng Chicken Joy. Sinisi nila ang Gulong ng bus kasi daw umandar ito. Sinisi nila si NoyNoy kasi panay lang ang Make-Up at pa Pedicure sa Malacanang. Sinisi nila si Gloria kasi daw hindi di nya binigyan ng Training ang mga pulis noong sya pa ang presidente. Sinisi nila yung yung BUS na sinakyan ni Mendoza galing ng Batangas para makapunta dito sa Manila. Kasi kung di daw sya pinasakay galing Batangas malamang di sya makakarating sa Maynila para mang Hostage. Sinisi nila yung may ari ng BUS na kasi daw ang hirap basagin ng salamin kaya natagalan silang pasukin ito. Sinisi nila yung maso na ginamit ng Pulis kasi daw masyadong malambot yung maso at hindi matibay. Sinisi nila yung mga SNIPER kasi daw panay lang ang kwentuhan kung mapo promote na ba sila kapag natamaan nila sa ulo si Mendoza. Sinisi nila ang Mga taga HONGKONG, kasi napakalaki naman daw ng HONGKONG bakit pa sila pumunta dito sa PILIPINAS?.

Hay naku! ang Daming sinisi kahit isang tao lang ang may Gawa.

PS: Wag mo ako sisihin kasi tayo ang dapat sisihin sa mga nangyayari.!

Wednesday, September 22, 2010

Baranggay Tagay!




Malapit na naman ang baranggay Election, Madami na naman mga di tototoong tao ang maglalabasan. Madami na naman ang mga nagkukunyaring matulungin sa mga baranggay natin.Madami na naman ang magtatangkang yumaman gamit ang kanilang kapangyarihan. Madami na naman ang nagbabalak nakawin ang pera ng ating kababayan.Yun ay walang iba kundi ang mga Baranggay Kupitan este Barangay Kapitan at Barangay Kagawad na kung makasipsip parang kawad.

Anyway, Kanya-Kanyang pangako di naman nanggaling sa puso, ganyan magsalita ang mga tumatakbong kapitan at kagawad. Magagaling magsalita kasi madami ang nakakakita. Pero pag naluklok mo na yang mga kupal na yan. Swerte ka nalang kapag pinansin ka o tinulungan nyan. Unang tutulungan nyan ay yung mga taong tumulong sa kampanya nila pero ikaw na umaasa pasensya ka na wala ka na silbi para sa kanila kasi isa ka lang basura.

Bakit nakakatakbo o tumatakbo ang isang tao bilang Barangay Captain at Kagawad? Isa lang ang sagot ko dyan siguro dahil binayaran sya ng nakakataas na pulitiko para tumakbo sa pwesto na yan. Binigyan sya ng malaking pera para ipambili ng boto sa mga tao. hahaha. Ganun ang mga pulitiko sa Barangay magaling manlinlang akala mo maka dyos pero may sungay pala sa ulo.

Ang barangay Kagawad naman para sa akin ay walang kwenta, Pampagulo lang sa Barangay tong mga kagawad na to kung iisipin. Wala naman talaga silbi ang mga KAGAWAD sa barangay kasi di naman sila kailangan. Nagsasayang lang ang gobyerno para bigyan ng sahod ang mga nagpapalaki ng tiyan na KAGAWAD sa barangay natin. SANA MA STROKE KAYO . hahaha. Ang trabaho ng kagawad ay humalili o tumulong sa Kapitan pero sobrang dami naman yata ng mga baranggay kagawad sa bawat baranggay, Buti sana kung sila na rin ang maghuhukay ng kanal, magwawalis ng kalsada, at gagawa lahat ng gawain sa baranggay mas bibilib pa ako pero kung nakaupo lang sila at utos utos. Nakoooooooow.. Kagaguhan na yun.

Masarap ang buhay ng Baranggay Captain at Kagawad kasi pa petix petix lang. Pag may nakasalubong na tao babatiin lang at minsan pag naglalakad sa kalsada pa kaway-kaway pa at nakaporma, di naman nakakabusog yung kaway nila. LOL:))==

Ganyan ang buhay ng kapitan at kagawad talo pa ang artista.

Di ko na pala babanggitin ang SK(Sangguniang Kalokohan). Kasi sa totoo lang di ako naniniwala dyan.




PS: Pasensya na sa tinamaan, Wag ka sana masaktan dahil di naman ako nagbanggit ng iyong pangalan.

Wednesday, September 15, 2010

Calbayog City! Umuunlad na nga ba?


Natatawa ako.

Bakit ang dami nagsasabi nag Improve na ang Calbayog City?.

OO masasabi nyo/natin na nag improve na nga ang hometown natin pero para sa akin isang malaking kabaliktaran. Isang malaking kalokohan na nalalason ang mga utak natin sa mga nakikita natin. Maraming bagay ang laging sumasagi sa aking isipan tungkol sa pamumuhay sa calbayog. Ayaw ko sana magsalita o mag blog pero naiirita lang ako kasi lahat nalang ng sinasabi ng mga Pulitiko sa Lugar na to. Walang katotohanan,Puro malaking kasinungalingan.

Nakapunta ka na ba sa City Hall ng Calbayog?. Ewan ko kung matatawa ako o malulungkot dahil napakasarap ng buhay ng mga empleyado. Maraming Government Employee ang nakatunganga lang sa Opisina habang nagkakape at naghihintay ng sahod nila. Napakatanga naman yata ng Gobyerno dito, nagsasayang sila ng pera para sa wala. Siguro dahil nasa opisina ang mga taong to, dahil isa sila sa mga naging paraan upang maluklok ang buwayang pulitiko na to. Hindi natin sila masisisi dahil kailangan din nila ng pera para kumita at mapakain ang kanilang pamilya.

At ang isang pinagtataka ko lang pala. Halos lahat ng namumuno na pulitiko sa Calbayog City halos lahat magkamag-anak. Siguro para hindi na mapunta sa iba ang kukurakutin nila. Para magtulungan sila na nakawin ang kaban ng bayan at mapunta sa kanilang bulsa. Nakakalungkot isipin na tayo at kayo mismo ay biktima ng kanilang gawain.

Maraming mga tourist pot sa Calbayog City pero hindi ito mapansin ng Gobyerno dahil ang iniisip nila ang kanilang mga sariling interes. Ang pinaka importante sa kanila ay tumatakbo ng maayos ang kanilang negosyo. Ang importante sa kanila laging under renovation ang mga bahay nila. Ang napansin ko lang sa mga pulitiko dito, kapag siya ay nakagawa ng isang project parang piling nya lahat ng pangangailangan ng tao naibigay na nya. Pero ang katotohanan ginawa nya ang Project na yun para maka kurakot sya.

Kapag baranggay Chairman o Kagawad ka sa isang barangay, tiyak ko malaki ang kikitain mo kapag nakapag pagawa ka ng isang project. Dahil sigurado akong malaki ang kukurakutin mo. hahaha. no offense . wala akong binabanggit na pangalan, siguro yun lang ang katotohanan.

PS: kung magagalit ka sa blog na to. ibig sabihin tinamaan ka. Pero pag hindi ka nagalit ibig sabihin naniniwala ka.

Tuesday, September 7, 2010

Life ng Buhay.!




Madaling mabuhay pero mahirap humarap sa buhay. Maraming bagay ang mga dapat daanan para ito ay malampasan. Ang buhay parang ampalaya mapait pero minsan para din itong asukal matamis.

Sa sarili ko lagi ko tinatanong bakit ganito mabuhay? Ang hirap ipaliwanag pero sa iisang salita Mahirap talaga mabuhay. Minsan dumadating ang mga problema na kailangan malagpasan pero ang katotohanan ay may kasunod pa yan. Mahirap maging satisfy sa buhay ng tao, dahil marami tayong bagay na ginugusto kahit ito ay di totoo. Ayaw ko mag expect o maging positive sa buhay ko baka umasa lang ako. Ayaw kong sabihing ako ay magiging superhero dahil sinabi ko na yan noong bata ako,pero ngayon ko lang nalaman na niloloko ko lang ang sarili ko. Simula ngayon ayaw ko tumingin sa sarili ko na mataas ako kesa sayo o sa ibang tao, dahil ngayon alam ko na kung ano ang kalidad ko. Alam ko na ngayon na isang simpleng mamamayan lang ako, na kumakain din ng kanin kagaya nyo.

Nakakatakot mabigo sa buhay na tinatahak mo pero susubukan mong lumihis para ito ay magbago, tapos ang kakalabasan pala nito ay isang pagkakamali na di mo inasahan na dadating sa buhay mo. Pero ok lang yun, ang mahalaga humihinga ka parin at nandito sa mundo. Wag kang mawawalan ng pag-asa sa lahat ng bagay, dahil maraming paraan ang pwede mong gawin para maging successful ang paninirahan mo sa planetang to. Wag ka huminto sa pag-aaral mo dahil requirements na ito kapag pupunta ka sa Impyerno. hahaha

Wag kang matakot umapak sa matinik na daan patungo sa mabuting kinabukasan, dahil alam kong kayang-kaya mo yan. Ok lang masugatan at least ito ay iyong naranasan para sa susunod na mangyari ito sa iyong buhay alam mo na kung paano lumaban. Wag kang mainggit kung anong meroon ang iba, Dahil alam mo naman na kung anong meroon sila at ikaw wala ka.. diba?. Matuto kang mabuhay sa sarili mong kamay at paa para hindi ka maging pala-asa o maging taong walang pag-asa..

Ngayon Gusto ko baguhin ang sarili ko, Ang sarili mo babaguhin mo pa ba o kuntento ka na?

Tuesday, July 27, 2010

Mga Pulitikong Sira Ang Ulo!



NAKAKAINIS ISIPIN NA ISANG MANGBABATAS AY ISANG DRUG ADDICT!


Sa ating bansa maraming mga addict, maraming mga sira ulo, maraming walang magawa sa buhay. Pero ang nakakalungkot sa lahat kung ang isang taong nanunungkulan sa ating bansa ay kabahagi o katulad ng mga Addict sa lipunan.. Masakit isipin na ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan upang mang abuso, diba yun ang mnasakit, nagluklok tayo ng isang tao sa gobyerno upang sila ay manilbihan hindi para tayo ay kurakutan. Masakit isipin na ang isang pulitikong nakukulong ay napakadaling makatakas sa isang napakalaking kasalanan dahil sa kanilang kapangyarihan o kayaman na nanggaling sa mamamayan.. Hindi ko nilalahat ng pulitiko pero gusto ko lahatin dahil halos yata 90% ng pulitiko sa bansang to, "puro buwaya".. walang ginawa kundi maghintay ng makukurakot, walang ginawa kundi magbutas ng upuan sa naka aircon na kwarto, walang ginawa kundi gumawa ng batas,.. pero ang katotohanan ang mga batas na yun ay para lang sa mahihirap o sa mga taong walang inaasahan.. Hindi pantay ang tingin pag batas ang pinag-usapan kaya maraming umaabuso sa batas.. Sana nga wala nalang batas para pinatay na ng mga naghihirap na mamayan, ang mga pulitikong walang pakinabang.


Marami sa mga pulitiko sa bansang to ay umaasa lang sa kurakot, kaya marami ang naghahangad ng posisyon o katungkulan sa gobyerno. Bakit? para may ipakain sila sa kanilang pamilya, para may ipang tustos sila sa mga luho ng kanilang anak na sira ulo, para may ipangbili sila ng magandang sasakyan at bahay. Pero ang katotohanan ay isang napakalaking kalokohan. Di na ako naniniwala sa mga pulitiko simula ng ako ay tinuli.. bakit?.. kasi nung nagpatuli ako ..sobrang sakit.. bakit?.. kasi Libreng Tuli yun sa Makati Medical , at bakit masakit?. kasi pagkatapos ng tuli sinulatan pa ang ari ko ng a Project of Mayor Jejomar Binay... hehehe.. joke lang... hahaha..


May mga pulitiko naman na kumukurakot na nga, wala pang konsensya.. Papayag ba kayo na ang isang COngressman sa inyong Lugar ay Drug Addict or Drug Lord. .. ako, OO papayag ako, pero sa isang kondisyon lumuhod sya sa harap ko at duraan ng mga tao hanggang sa malunod sya sa plema..! hahaha .. papayag ba kayo na ang akala nyo ay napakabuti pero sa loob ng kanyang pagkatao ay napakaitim ng budhi.. ..


PS: "PATAYIN LAHAT NG MAHIRAP, PARA WALA NANG MAHIRAP SA PILIPINASA"

Tuesday, July 20, 2010

Ano ba pakiramdam?

alam mo ba ang meaning ng salitang pakiramdam? paramdam? nararamdaman?..
ako di ko alam eh... pag alam mo pakitext sa akin at bibigyan kita ng 50 pesos load.. seryoso..!


Iniisip ko lang pero di ko pa nagagawa ...hahaha

Ano kaya pakiramdam ng mainlove? di ko pa nasusubukan eh, sabi nila masarap daw. pero bakit ang dami nagpapakamatay dahil sa salitang inlove?...ang dami ng nasisira ang buhay dahil sa salitang inlove? ang dami nabubuntis kahit di pa dapat dahil sa salitang inlove?... Bakit? Bakit? Bakit? bakit kayo nainlove?. yan ang tanong ng mga chismosa sa kanto...


Ano kaya pakiramdam ng Madami ang pera?..
Ano kaya pakiramdam ng may kamukhang artista?..
Ano kaya pakiramdam ng Pogi?
Ano kaya pakiramdam ng Mabait?
Ano kaya pakiramdam ng sinungaling?
Ano kaya pakiramdam ng snatcher?
Ano kaya pakiramdam ng ng nanay mo pag nalaman na lagpak ka sa exam.?
Ano kaya pakiramdam ng kapatid mo noong inubusan mo sya ng ulam?
Ano kaya pakiramdam ng taong manhid?
Ano kaya pakiramdam ng taong nakakulong?
Ano kaya pakiramdam ng ng presidenteng kurap?
Ano kaya pakiramdam ng nahagip ng bus?
Ano kaya pakiramdam ng ng makipagsiksikan sa MRT?
Ano kaya pakiramdam ng ma basted?
Ano kaya pakiramdam ng taong di naliligo anim na buwan na nakalipas?
Ano kaya pakiramdam ng di nag toothbrush in 1 year?
Ano kaya pakiramdam ng walang pera?
Ano kaya pakiramdam ng walang makain?
Ano kaya pakiramdam ng nauuhaw?
Ano kaya pakiramdam ng naubusan ng load.?
Ano kaya pakiramdam ng matae sa short?
Ano kaya pakiramdam ng di nagpalit ng underwear in 5 years?
Ano kaya pakiramdam ng nagbabasa ngayon?..


Pag nasagot nyo lahat ng tanong may kiss kayo kay Piolo Pascual at Gerald Anderson?.. pero pag binasa nyo ang blog entry na to, wag mag-alala! siguradong may kiss kayo sa akin.. hahaha..

salamat sa oras =)

Thursday, April 29, 2010

Ang Hirap Bomoto!!



Sa araw araw nalang ang gumigising sa akin ay mga jingle ng pulitiko .. put*ng ina.. di na sila nagsawa ang ingay nila.. sa tingin nila iboboto sila ng tao dahil nakakatuwa ang tugtog nila.. haha.. mga gagu sila.. sa mga pulitiko na maiingay= sana matalo kayo....



Dito sa atin nakaugalian na talaga ng mga pulitiko na mag bahay bahay para manloko ng mga tao... magpapakilala at magbibigay ng platorma pero ang totoo puro lang porma..pag nanalo ang pulitiko na yan, babalikan ka ba nyan?.hindi diba..! . hahaha. kaya ako shit. kahit sino pulitiko kumatok o pumasok sa bahay namin di ko naisipan makipag shake hands... Bakit?.. magbabago ba buhay ko/natin pag nakipag shake hands tayo sa mga kumag na yan?.. hindi diba!.. totoo naman pera at kapangyarihan lang ang mga habol nyan kaya tumatakbo sila.. dito kasi sa bansang to pulitiko ang pinakama kapangyarihang tao, kaya ang hirap bomoto dahil malaking kasalanan sa ating sarili kung magkakamali at magsisisi tayo sa huli.,.. mahirap malaman kung sino ang totoo?.. yan ang mga pulitiko ngayon ang hirap intindihin kahit pilit nilang pinapaintindi.

Noong nagpa rehistro ako sa Comelec, sobrang excited akong bomoto pero ngayong malapit na election parang takot akong bomoto. hindi dahil first time ko, kundi dahil takot akong magsisi bandang huli..


"MANALO MATALO IBOBOTO KUNG SINO ANG GUSTO KO"



Naisip ko lang, parang wala na mga kwenta ang mga pulitiko sa bansang to.. dapat wala nalang konsehal sa bawat distrito, dapat wala nalang kagawad sa bawat baranggay... bakit?.. pangpagulo lang naman yan sila eh.. pangpadagdag sa swe swelduhan ng gobyerno.

Saturday, April 17, 2010

Kumusta na kaya ?

Naglinis ako kanina!.. nakita ko yung mga books ko when i was in high school., bigla kong naalala yung mga taong nakasama ko, naging kaibigan ko, naging crush ko, mga titser ko, .....

habang iniipon ko ang mga lumang libro at lumang papel ko noong high school bigla ko naisip... kumusta na kaya ang mga classmate ko noong high school.. siguro ang iba sa kanila may anak na may sarili nang pamilya, may kanya kanya nang trabaho, may mga natangal na sa trabaho, may naka graduate na ng vocational, may huminto na sa pag-aaral (kagaya ko).. at meroon naman patuloy na nag aaral, .. kumusta na din kaya ang mga classmate ko na punong puno ng pang aasar sa akin.. kumusta na din kaya ang classmate ko na sumapak sa akin, kumusta na din kaya ang classmate ko na laging nag yoyosi sa loob ng room namin, kumusta na ang mga classmate kong walang ginawa kundi mag marijuana at magsugal sa loob ng room. kumusta na din kaya ang mga taong nakilala ko noong high school.. siguro madami sa kanila umasenso na ang iba naman ay wala paring pakinabang. ...

kumusta na kaya ang mga titser ko noong high school, sana ang iba sa kanila ay buhay pa, at sana ang iba sa kanila ay manatiling sila. kumusta na kaya ang titser ko na di mawala ang galit sa akin, kumusta na kaya ang titser ko na walang ginawa kundi ang magpa gawa ng Report ng El Filibustirismo. . kumusta na kaya ang titser ko na walang ginawa kundi mag utos sa akin bumili ng softdrinks.. kumusta na kaya ang titser ko na laging nagsasalita ng english kahit di naman bagay sa kanya.. hihi.. kumusta na kaya ang titser kong mabait pero masungit, kumusta na din kaya yung nag iisang titser na nagpahiya sa akin sa harap ng Flag Ceremony. kumusta na kaya ang titser na walang sawang nagtiwala sa akin. kumusta na kaya ang titser na laging naniningil ng Batikan.. hahaha..

kumusta na kaya ang mga guard na laging nagpapalabas sa amin tuwing tanghali, kumusta na din kaya yung guard na wala nang ibang ginawa kundi ang sumigaw ng sumigaw, kumusta na kaya yung nagtitinda ng ice cream, kumusta na kaya yung mga tindera sa canteen. sana manatili silang buhay hangga't silay nabubuhay..

basta kumusta nalang sa mga taong naging bahagi ng buhay highschool ko... naalala ko lang bigla.. nagkalat kasi yung mga alaala ko noong high school...

Wednesday, April 14, 2010

Pag-asa ng bayan o Alipin ng Bayan?.





kawawang mga bata,mga kapwa pilipino.. bakit ganito nangyayari sa buhay nila? diba dapat nasa paaralan sila? masakit man pong isipin pero yun ang katotohanan.. may kayang tumulong pero di sila matulungan… diba dapat sa ngayon palang ay dapat sila ang unahing tulungan? dahil pag sila ay napabayaan lalong dadami ang tulad nila. isa lang naman po ang gusto ko mangyari na sana po ay may mamulat ang ating gobyerno na pansinin ang mga batang to.. dahil sabi nga “KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”.. pero bakit ganun naging alipin sila ng ating bayan..?

sa tuwing manglilimos ang mga batang to sa atin? ano ba agad ang naiisip natin? syempre naiisip natin na ma swerte tayo dahil meron tayong maayos na pamumuhay .. kumakain tayo ng tatlong beses sa isang araw.. pero para sa akin di parin ako ma swerte na nakikita ko na ganun ang nangyayari..sobrang nakakaawa.. actually sila ang dapat kaawaan dahil mahabang buhay pa ang kanilang pagdadaanan.. ang mga batang to pag di tinulungan ay di nila matatakasan ang kanilang pinagdaanan.. sobrang dami ng ganitong bata sa ating kalye..tanong naman ng iba ..asan ang kanilang mga magulang? diba dapat pag ganun na nakikita natin na ganyan dapat di na natin isipin kung asan ang kanilang mga magulang..that means pinabayaan na sila.. dahil kung hindi sila pinabayaan nasa maayos silang kalagayan.. dahil ba sa mahirap sila kaya sila ganyan? hindi naman siguro dahilan yun para pabayaan ang mga batang yan..madami naman paraan na magagawa ang magulang kung talaga di sila pinabayaan..

sana po dumating ang araw na wala nang bata ang nanglilimos at natutulog sa kalye.. sana po bigyang pansin naman sila ng gobyerno natin..

Sunday, March 21, 2010

kung ikaw yan?... sino naman ako?..

.. ang hirap mag isip pero madali magsabi . mahirap maghusga dahil pwede ka makasakit. mahirap maging perpekto baka madami magalit. mahirap maging mayabang baka madami mainggit. mahirap maging tao dahil hindi lahat ng tao totoong tao.


ang hirap ma gets ng pinagsasabi ko diba?... pero yung ang katotohan kaya di mo na kailangan maghanap ng dahilan.,..





ang tao di mo makikila basta basta lang. dahil lahat ng tao kahit iisa ang buhay, may kanya kanya tayong pamumuhay, at may kanya kanya tayong palpak na pag iisip. hindi porket best friend mo yan di ka gagawan ng masama?.. dahil hindi lahat ng best friend palaging best yan. kailangan nya rin maging masama para mapabuti ka... ohhhhh diba?.. may ganung effect pa.... di mo gets noh..?...

Madami na akong taong nakilala mula sa kamag-anak, kapitbahay, kaibigan, kainuman, kalokohan, kasakayan, ... basta madami na.. siguro lagpas na isang daan.!... pero sa lahat ng tao na nakilala ko na yun. ang masasabi ko lang. lahat sila iba iba ang buhay,pamumuhay,ugali,pag-iisip,pananaw,pinag-aralan,kagustuhan,..... di ko sila masisisi dahil hindi rin nila ako masisisi. basta ang masasabi ko lang sa mga taong yun ay salamat... kundi dahil sa inyo, di ako matuto mag inum at manigarilyo. ... ^_^ ...

Ngayon ko naisip na, hindi lahat ng gusto mo matutunan mo sa eskwelahan. Bakit?.. sa loob ng isang taon na aking pag aaral, at sa loob din ng isang taon na aking pagtambay. mas madami pa akong natutunan ngayon sa aking pagtatambay kaysa sa aking pag aaral noong nakaraan. .. Pero na realize ko bigla... mali pala talaga ako. ... kahit ipagpilitan kong tama ako, sinasabi naman ng puso ko na mali ako.... minsan gusto ko magmura sa harap ng salamin.. pero binabawi ko, dahil sarili ko nakikita ko. ... mahirap tanggapin ang pagkakamali pero mas mahirap tanggapin na ang tingin sayo ng ibang tao ay sira ulo ka...>!..<.. diba?....


PS: time na ako, nasa computer shop ako ngayon, dagdagan ko nalang pag nakapag online ulit...

Friday, March 19, 2010

Nakakatawang Year Book!.. .bwahahahaha


HAHAHAHAHA ----> Dahil wala akong magawa sa araw na to, sinubukan kong maging masaya sa pamamagitan ng pag review sa aking High School Year Book "The Sentinel".


First, sa cover palang ng libro natatawa na ako, kasi di mo mahahalata na year book sya ng school, akala ko nga dati pamaypay ang binigay sa akin yun pala! yun na ang Year Book ng batch namin. at di ko din na expect na ganun kanipis ang magiging year book ng batch namin.



Ito na nagtupi na ako sa first page, mga Honor Graduates agad makikita mo, pero ang kinaaasar ko ay ang nakalagay sa may kaliwa, sa may likod ng front cover ng year book. ngayon lang ako nakakita ng year book na ganito ... Badtrips!... pinagkasya ba naman sa isang page ang message ng Dep-Ed Secretary, School Division Superintendent at School Principal.... ang sagwa tingnan..! amp. XD:


Nasa second page na ako, dito na nag-umpisa ang kaligayahan ko. sa isang page ng Long Bond Paper pinagkasya lahat ang isang section kasama na ang adviser. Natatawa talaga ako kasi back to back pages ang paggawa, halatang tinipid. Patuloy lang ako sa pagtupi ng year book (sabay tawa hahahaha).. Sabay sabi ko sa sarili ko wala talaga akong masabing maganda sa year book na to. Hindi na nga colored ang paggawa, ang pangit pa ng print out. parang pinag tripan lang yata kami ng gumawa nito o may hang over lang sya habang nag i edit ng mga pages. at ang pinakapalpak pa sa lahat ay napakarami ng typo error sa mga pangalan ng Graduating Candidates....Bigla ko tuloy naisip ikumpara sa dyaryo ang year book na to.. Buti pa nga ang Dyaryo ng "LIBRE" (yung sa "MRT") ay colored at maganda ang pagkagawa, pero ang year book na to nagbayad kami, pero hindi sulit eh.......... Kinurakot po ba?????......HAHAHAHAHA XD: .


Naisip ko kasi masyadong tinipid ang mga material na ginamit, sa ink palang sobrang tipid na... tsaka yung cover ng year book.. di mahalata na year book sya.. ang sagwa...




PS: okey lang kahit ganun ang year book .. nakakatuwa naman... kahit papano naging masaya ako, ... hahahahahaha